Prologue

5 0 0
                                    

It is 6:45 in the morning and everything just seems so irritating for her. Napakaingay ng kanyang mga kaklase, lalong lalo na ang mga kababaihan. Yung mga kaklase naman niyang mga lalake, ayun, naghaharutan rin. Nagbabatuhan ng mga kung ano ano.

Everyone was busy in minding their own business. Pati siya na nagbabasa lamang ng taimtim sa kanyang upuan habang may nakasaksak na earphones sa kanyang tenga. Bagamat naiinis na sa kaingayan ng kanyang kapaligiran, nanatili lamang siyang tahimik dahil ayaw niyang sayangin ang kanyang hininga sa mga taong hindi karapat dapat.

Siya si Maria Tan na mas kilala sa pangalang Airam na galing sa pinabaligtad niyang pangalan. Pinagtripan kasi siya dati ng kanyang mga kaklase kaya naman nakasanayan na rin nila na iyan ang itawag sa kanya.
Isang simpleng babae na hindi hilig ang gumamit ng mga palamuti sa mukha, hindi katulad ng mga batchmates niya na kulang nalang mag polka dots para mabansagan ng dakilang payaso.

Habang abala parin ang lahat, mayroon pumasok na babae na kaklase rin nila. Halos lahat ng tao sa silid aralan nila ay napatigil sa ginagawa at napatingin sa kakarating lamang.

Mahaba, diresto at itim na buhok.
May magandang pangangatawan.
Natural na nginit na kinahuhumalingan ng halos lahat.
Malaanghel na mukha.
In short, she was beautiful. Siya si Mikhaela Ventura o mas kilala sa pangalang Mika. Isang tipikal na chick. Kinahuhumalingan ng lahat ng tao. Siya yung tipong babae na kahit sino magaagree na maganda siya.

"Hi classmates" simpleng bati lang ni Mika sa kanyang mga kamagaral. Halos lahat naman ay rumisponde sa kanya.

'Yeah right' nasabi nalang ni Airam sa kanyang isipan. 'Porque maganda may special treatment na ibinibigay? Tss'

Pero sa kaluob luoban niya, gusto rin niyang makatanggap ng ganoon na 'special treatment'

Mababa ang tingin niya sa kanyang sarili sa kanyang 'outer beauty' ika nga. Para sakanya hindi siya maganda, kaya naman wala siyang confidence. Isa siya sa mga babaeng maraming insecurities sa kanyang katawan. Panget daw siya. But that's what she thought.

*RING!!!

The doorbell rang which indicates that it is 7:00 and classes are about to start. Yung mga kaklase niyang nasa labas ay nagsipasok na. Medyo humupa narin yung kaingayan sa classroom nila dahil anumang oras ngayon ay pwedeng dumating na ang kanilang guro.

Makalipas ng ilang sandali, nakarinig na sila ng bagbukas ng pintuan ng kanilang silid-aralan at ang pagtama ng takong sa sahig.

Nanahimik ang lahat sapagkat napakstrikto ng guro nilang ito na sa kasamaang palad, ay adviser nila. Tumigil ito nang nakaratin na ang guro sa gitna kung saan naroroon ang kaniyang mesa at upuan at pagkatapos ay inilibot ang kaniyang paningin.

"Good morning" bati niya na mayroong bahid ng kasungitan na para bang sinasabi niya na karapat dapat siyang respetuhin.

Nagsitayuan naman silang lahat kabilang na si Airam at sabay sabay binati ang guro.

"Good morning Ms. Buena."

The teacher motioned her hands down to indicate that they can take their seats.

Nang makaupo na ang lahat, nagsimula nang magklase at magturo ang guro. Ang ibang studyante ay halatang inaantok na sa pinagaaralan ngunit wala lang talaga silang ibang choice kung hindi makinig dahil kung hindi, sila ay malilintikan.

Si Airam naman ay masaya at magiliw na nakikinig dahil hilig talaga niya ang pagaaral. Pero hindi siya kabilang sa mga tinatawag na nerd.

Sa katunayan si Airam ang nangunguna sa kanilang klase dahil siya ay matalino. She has an above average IQ. She is also quite popular sa kanilang paaralan, dahil bukod sa matalino, siya rin ay masungit na Presidente ng kanilang classroom. Napakasungit niya kaya naman wala masyadong nagaaproach sakanya. Lagi kasig nakataas ang kilay nito at walang ekspresyon ang mukha.

Lumipas ang kanilang klase at palabas na sana siya ng kanilang classroom nang tinawag siya ng kaniyang guro.

"Ms. Tan, I want you to prepare a design for an upcoming fashion show next month na pambabae at panlalake. This is a contest among Grade 12 students."

"Yes Ma'am. Is there any specific theme?"

Umiling lamang ang guro. Tinanguan nalamang niya ito at lumabas na. Isa rin ito sa kaniyang talento. Magaling siya sa larangan ng fashion. Marami nang naipanalo ang kanilang klase sa mga fashion shows sa school nila na siya ang nagdedesenyo. Ganyan siya kagaling.

Habang naglalakad papunta sa canteen dahil lunch nila, ay nagiisip siya ng pwedeng design para mamaya ay makapagsketch na siya.

'Kung kayang rose nalang ang gawin kong design? O kaya pwede rin peacock. O kaya nam..'

Naputol ang kaniyang pag-iisip nang may nabangga siya.

'Ang tigas! Aray ko' sabi niya sa isip niya habang hinihimas ang noo niya. Pagtingala niya, poste pala ang natamaan niya. Kaya naman talagang masakit.

Nagpalingalinga siya ng tingin.
'Sana walang nakakita!!! Nakakahiya!'

Ilang minuto lang siyang nakatayo doon at tumitigin kung meron nakakakita sakanya. Mukhang wala naman dahil siya lang yung tao doon. Nakaratong na pala siya sa likod na bahagi ng canteen na kung saan madalang lang ang mga dumadaan na estudyante.

"Wooh! Buti nalang walang nakakita!" Nakangiti pa niyang sabi. Kumembot kembot pa siya.

"Isang kembot para sa akin!" Sabay kembot sa kanan. Patuloy parin siya sa pagsasaya nang biglang may napansin siya. Parang may bulto ng tao na nakasandal sa isang puno doon. Napatigil siya at nanlalaking tinignan ito sa mata.

"Nice moves." Sabi ng lalake na nakapoker face.

Napakagat nalang sa labi si Airam at hindi apam kung anong gagawin. She kept on looking everywhere but him.

' Nakakahiya!!!'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon