PROLOGUE

16.7K 198 0
                                    

I am Sapphire Amethyst Brilliantes, 18 years of age. A Graduate of Bachelor of Science in Tourism Management at Wizzard University. I have boy bestfriend named Jian Paul Collins, but I call him Paul for short. He then call Sam and he is the only one calling me into that name. We were Bestfriend since birth, We are in the same subdivision, his house is meter away from us. So, we were really best of friends.

(Krrring)one message received.

From: Bessy Paul

Sam let's go out. May ginagawa kaba ngayon?

To: Bessy Paul

Sure bessy, san tayo?

Message sent...

Ganyan kami niyan pag walang magawa lagi kaming lumalabas minsan sa mall, minsan kung saan saan. Ok lang din naman sa parents namin. Bestfriend ni Mommy si Tita Jillian, mommy ni Paul at si Dad naman At Tito Alex friends din sila..

(Krrinngg) one message received..

From:Bessy Paul

May ime-meet lang ako sa mall. Sunduin kita mamaya jan mag ready kana.

To:Bessy Paul

Sige.

Message sent..

Nag aya kapa lumabas may ka meet ka lang din naman akala ko naman mag ba bonding kami ngayon tsk!. Opps! Why am I acting like a jealous girlfriend here? Shit! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Maligo na nga ako, kung anu ano ang pumapasok sa kokote ko ng dahil jan sa bestfriend kong maharot. Ginawa pa akong chaperon amp.

After 45 minutes tapos na akong maligo at mag ayos. Nag suot lang ako ng simple. high waisted boyfriend Jeans at plain white cotton shirt tapos tinuck in ko lang and white rubber shoes. Then tied up my hair ayon tapos. Hindi pa ako nag lulugay eversince laging nakatali yung buhok kong mahaba at hindi din ako girly mananit, like duhh! Lalaki bestfriend ko alangan namang siya ang mag mini skirt diba? Kaya ako na lang nag adjust haha. Pababa na ako sa hagdan ng marinig ko na nag kwe kwentuhan si Bessy at mommy.

"Baby ang bagal mo kanina kapa hinihintay nitong Boyfriend mo oh" sabi ni mommy naka smile pa. Lagi niya akong inaasar kay bessy.

"MOMMY!" asar kong sabi at humalik ako sa pisngi niya sabay hila kay Paul..

"Bye Tita" pa habol niyang sabi. Ayun si mommy ngiting aso nanaman, bakit lagi nilang sinsabing boyfriend ko to? Eh hindi naman eh.

"Oh anong problema mo Sam nakabusangot ka nanaman?" ay letche! Wag ka ng mag tanong kung ayaw mong mabatukan sakin.

"Wala" sabi ko at una ng pumasok sa passenger seat ng black Ford Ranger niyang sasakyan.

"Ok" sabi niya at sumunod na sa akin. Walang imikan habang nasa byahe kami. Wala ako sa mood mag salita. Sa bintana lang din ako naka tingin. Ilang minuto pa ay nakarating din kami sa Mall ng wala pading nag sasalita ni isa sa amin. Mapapanis yata laway ko nito. First time tong nangyari. Kasi noon pag lumalabas kami hindi kami nauubusan ng kwento pero bakit iba ngayon? Kasi dati wala naman siyang ka meet at ewan ko ba kung bakit big deal sakin to ngayon. Bakit nga ba ako nag kakaganito. Siguro sanay lang ako na nasa akin ang buong attention ng bestfriend ko noon at hindi ako sanay na may kikitain siyang iba at kasama pa ako. Kainis sana natulog nalang ako mag hapon kaisa naman ma out of place ako dito. OUT OF PLACE NGA ANG DAHILAN? Shit that question.

-------------------------------------------------------------
This story is work of fiction, names, characters, events and so on are made up by author's imagination....

-------------------------------------------------------------

MY BESTFRIEND GOT ME PREGNANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon