Nakauwi na ako ng bahay, nagbihis muna ako at pagkatapos ay pumunta sa sala. Nadatnan ko si Mama na nanonood ng TV. Sasabihin ko na nga din pala ang pagsali ko sa contest.
"Ma" tawag ko sa kanya at lumingon ito kaagad
"Yes my princess?" Tanong nito na may kasamang ngiti
"Ma, sinali kasi ako ni sir sa Ms. Crush campus, kailangan ko makapaghanda ng susuotin at makapagpaayos, sa huwebes na yun" wika ko at nagpuppy eyes.
"Yey! Dalaga na ang prinsesa ko ah. Bukas na bukas din pag uwi mo ay ipapaayos natin yang buhok mo at bibili tayo ng dress at gown" masiglang sabi ni mama na akala mong bata na excited na excited.
"Mama naman eh" sabay yakap ko.
Sweet tlaga tong si mama kahit kailan para syang teen ager na katulad ko lang, matangkad pa nga ako e.
********
5:00 am ang aga kong na gising dahek. Sabi kasi ni sir ay maaga kaming pumasok ni Jorenz dahil may announcement sa gaganapin na contest.
Pumasok na agad ako pagkagayak ko at mga ilang minuto rin siguro ay sinundo na ako ni Jorenz sa room namin papuntang gym.
"Good morning Danille!" masayang bati nito sa akin at nakangiti.
"Mukhang ang saya mo ah?" Nakangising pagtanong ko.
"Syempre, kasama ki---- ooooppsss! Kinakawayan na tayo ni sir, dali na" nagmamadaling sabi nito. Psh.
Andito na lahat kaming mga contestants. May mga 1st year highschool at kami ang nasa dulo.
"Alright, 1st and 2nd year get ready because ang ipeperform nyo is singing. And 3rd and 4th prepare a romantic dance na makaka pagpakilig sa mga audience because 20 percent is audience impact and kung gano ka ganda ang pagsayaw nyo" pagpapaliwanag ng school principal sa amin.
What?! Makakapagpakilig? Wtf naiisip ko palang parang ayoko na.
.....
Tinawag na kami ni Sir Adenit at pinagusapan naming tatlo kung ano ang magandang sayawin.
"I think, a thousand years" sabi ni sir at tumango nalang kaming dalawa ni Jorenz.
"So sir sino ang magtuturo sa amin?"tanong ko.
"Ako na ang bahala doon, hintayin nyo nalang ang magtuturo sa inyo at mamaya e darating na yon. Before break time ipapatawag ko ulit kayo" sabi ni sir at pinabalik muna kami sa room namin.
****
Mga dalawang oras na din siguro ang nakalipas at tinawag na kami ni sir. Mukhang kasama na nya ang dance instructor na magtuturo sa amin.
Pumunta kami sa isang bakanteng room at duon kami tinuruan. Sinabi muna ng instructor kung ano ang gagawin namin at ang mga steps.
Pagkatapos ituro sa amin kung paano ang mga gagawin ay pinatugtog na ang kanta.
Ka sabay ng pagtugtog ay nakalagay ang dalawang kamay ni Jorenz sa aking bewang at nakalagay naman naman ang akin ding dalawang kamay sa kanyang balikat. Iniugoy namin ang aming katawan kasabay ng pagtugtog ng kanta. Napatingin sa akin si Jorenz...
"Ayos ka lang" tanong nito habang nakalagay parin ang kanyang mga kamay sa aking bewang.
"Ah o- - - o ayos lang" nauutal na sagot ko.
Nang nasa kalagitnaan na ng sayaw ay nagkabangga ang aming mata. Pakiramdam ang bumilis ang tibok ng puso ko at nagiinit ang mukha ko.
"Blushing?" Pang aasar na tanong ni Jorenz
"Ha? Ano? Hindi ah!" naiinis kong sagot.
Feelingero pala tong lalaki na to e, leche. Buset naman kasi pisngi na ito bakit namumula.
![](https://img.wattpad.com/cover/99392480-288-k459380.jpg)
YOU ARE READING
What Love Is
RomanceLahat nga ba ng tao ay may nakatadhana para sa isa't isa? Lahat nga ba ng tao ay dapat handang masaktan pag nag mahal?