Natapos na ung practice namin, lunch break na din pala. Pumunta ako sa Bistro Cofe kung saan lagi akong naglalunch. Habang kumakain ako biglang may pumasok na lalaki, niluwal nito si Jorenz na sya lang mag isa.
"Hi Danille, dito ka pala kumakain" sabi nito.
"Uhm, oo" sagot ko na medyo naiilang.
"Pwede ba na dito nalang din ako magtable? Walang kasi akong kasama e" sambit nito na animoy pusang nahihiya.
"Okay sige" sabi ko at nginitian ko nalang sya.
Umorder narin sya ng pagkain at kumain na. Ang cute nya habang pinagmamasdan ko sya. Psh.
Nakatapos na kaming kumain at lumabas na kami. Agad akong pumasok sa room namin at ganon dim si Jorenz
Nakaraan na ang apat na subjects ay uwian na. Si mama ang sumundo sakin ngayon dahil bibili kami sa boutique shop ng Tita ko sa trinoma. Mga one hour din ang binyahe namin at dahil din kasi sa traffic.
"Anak mamili kana ng gusto mong suotin para bukas" wika ni mama na abala ding naghahanap ng mabibili nya.
Pumunta ako sa isang gilid kung saan nakita ko ang isang red dress na kumikinang na nakapukaw sa aking paningin.
"Ma, look at this, I think it will fit to me!" Masayang wika ko.
Pumunta kaagad ako sa fitting room at agad tong sinukat. Waaahh ang ganda ko! Wahahaha sariling puri.
Nagsukat pa ulit ako ng isa at napili ko ang kulay black na gown.
***
Nagdinner na rin kami ni mama sa isang resto.
"Prinsesa ko, hinay hinay lang" natatawang sabi ni mama.
"Sorry ma, nagugutom lang kasi tlaga ako hihi" wika ko habang abala parin sa pagkain.
Sa pagod ko ay nakatulog na ako sa kotse at pagdating namin sa bahay ay umakyat nako sa kwarto ko at natulog agad.
******
Pagkagising ko ay OMG! This is the day. Kinakabahan ako para mamaya, please utak makisama ka naman.
Kumain muna ako sa kusina at naligo agad. Mabilis akong gumayak dahil me make up-an pako, 8:00 am lang ang umpisa ng contest.
Nang nakagayak nako at ayos na lahat ay sumakay nako sa kotse kasama ko si mama at yaya Lanie. Nadatnan ko ang mga kaklase ko na may mga dalang banner at pompoms at sa banner na kung saan nakalagay ang picture namin ni Jorenz.
"You're so beautiful Danille! Hindi ako nagkamili at ikaw ang napili ko" masayang wika ni Sir Adenit.
"Go Danille! Go Danille ipagchicheer namin kayo! Whooo!" Masayang sigaw ng mga kaklase ko. Mukang handang handa tlaga sila. Haha.
Teka? Nasan nga pala si Jorenz? Nilinga linga ko ang ulo ko upang hanapin si Jorenz ngunit wala parin sya.
"Anak sino hinahanap mo?" Tanong ni mama.
"Ma ung kapartner ko si Jorenz malapit na kasi mag start wala parin sya" wika ko na para bang kinakabahan.
Tinawag na ang mga contestants sa stage at etong si Jorenz wala parin. Aissh. Nilinga linga ko ulit ang aking paningin at nakita kona si Jorenz...
May kasama syang babae at sa tingin ko ay nagpapaalam na sya, hinalikan sya nito sa pisngi at parang ang saya nila..
Nakaramdam ako ng sakit sa aking dibdib.. Sino kaya sya?
Thank you for reading! Te amo wattpaders!❤
Please don't forget to Follow, vote and comment❤❤
YOU ARE READING
What Love Is
RomantizmLahat nga ba ng tao ay may nakatadhana para sa isa't isa? Lahat nga ba ng tao ay dapat handang masaktan pag nag mahal?