Chapter 1

10.9K 357 32
                                    

Umangat ang ulo ni Thaddeus ng bumukas ang pintuan ng opisina. Sa anyo pa lamang ng pumasok ay mukhang magkakaroon na naman ng gyera.

Binitawan niya ang papepeles at humarap sa babae. Nakapamewang ito sa harap bitbit ang mamahaling bag. Kumikinang ang palamuti sa tainga, leeg at kamay. Napaka-sopistikada ng dating sa kabila ng edad.

Isinandal niya ang likod sa swivel chair. Crossing his thighs and praying to be free from a disaster.

"What are you doing here, 'Ma?" Tumaas ang isang kilay ng Ina sa kanyang tanong.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Thaddeus. You have to get married, soon. At may napili na akong babae para sa'yo. Si Raquella-"

"Ma!" Napatayo siya sa pagkaka-upo.

"Don't me, Thaddeus. 'Wag mo akong mina-ma-ma. Jusko namang bata ka, nalampasan mo na ang kalendaryo at heto ka pa rin? Mag-isa? Baka mamaya niyan binggohan na ang malamapsan mo. Hindi pwede iyan, hijo. Kailangan mo na talagang magpakasal sa ayaw mo at gusto!"

"Raquelella is a minor, 'Ma!"

"Hey! Anong minor ang pinagsasabi mo diyan? 18 na iyong tao. Dalaga na, at pwede niyo na ako bigyan ng apo, ora mismo." Kinikilig na sambit ng ginang pagkabanggit sa apo.

Sinapo ni Thaddeus ang noo.

"Ma, ako ang maghahanap ng babaeng pakakasalan ko, hindi 'yang irereto mo na nga lang ako sa isang bata pa."

Pinaningkitan siya ng ginang.

"Tumigil ka Thaddeus. Noon mo pa iyan sinasabi, pero hanggang ngayon 33 years old ka na. Wala pa rin! At saka, ano ngayon kung magkalayo ang eded ninyo ni Raquella? Kailan pa naging basihan ang edad para sa dalawang taong nagmamahalan? Hijo, age doesn't matter it is just a number. And love knows no boundaries, time and limits."

Bumuga siya ng mabigat na paghinga. Binalingan ang ina na may pigil na pigil na inis.

"I will find my bride soon, makikilala ninyo siya."

"Hmp! Don't tell me na basta ka na lamang mamumulot o magbabayad ng babae diyan sa tabi-tabi? No! No! No, Thaddeus! Kasalanan talaga ito ng daddy mo. Kung hindi ka ba naman iminulat sa maagang pagpapatakbo ng kompanya. Dihin sana'y noon ka pa nakapag-asawa. Hindi iyang, niluloblob mo ang sarili mo sa trabaho. Hijo naman, nag-iisa ka lang. Pagbigyan mo naman ang mama mo. Matanda na kami ng papa mo at malungkot ang bahay. Gusto naman namin magkaroon ng ingay sa bahay. Hindi iyong puro tahol na lang ng aso. Nakakarindi na!"

Nilapitan niya ang ina. Hinawakan sa magkabilang balikat at pina-upo.

"You're still young and beautiful, mother. Don't worry, bibigyan ko kayo ng apo ni dad."

Lumiwanag ang anyo ng mukha ng ina.

"Really, son? So, payag ka ng pakasalan si Raquella?"

"'Ma..." umungol siya bilang protesta.

"Sige na, hijo. Pagbigyan mo na si mama." Paglalambing nito. "You're not getting any younger, masasayang ang panahon kapag naghanap ka pa na kung tutuusin, andyan naman si Raquella. She's madly in love with you at madaling matutunan mahalin ang batang iyon."

Hinawakan niya ang ulo at inalog. Batid niya hindi siya titigilan ng ina. Kukulitin at kukulitin pa rin siya nito.

Raquella- is only 18 years old. Kaka-debut lang ng bata. Tiyak na sasakit lang ang ulo niya sa babaeng 'yon dahil sunod sa layaw. Kahit anong gustuhin ay hindi pwedeng hindi makuha. Makulit, madaldal, maingay at party goer.

Paano ba nagustuhan ng ina ang ganoong babae para sa kanya? Hays! Mukhang wala na siyang lusot sa ina.

"Ano na, hijo? Yes? Payag ka na?"

The 15 Years Age GapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon