Tumalikod si Thaddeus at kumuha ng damit. Nagbihis siya bago lumabas ng silid. Pagbalik, bitbit niya ang pagkain para sa dalaga at mayroon ding gamot.
"Bumangon ka na at kumain nang sa ganoon maka-inom ka ng gamot at nang mawala ang sakit ng ulo mo."
"Hmp, mamaya na!"
"Kumain kana ngayon at nang maihatid kita sa inyo."
"Ayoko pang umuwi."
"Rocky."
"Dito na muna ako. Ayoko pang umuwi."
"Wala kang kasama dito, aalis si Mommy at may pupuntahan ako."
Umayos ng upo ang dalaga sa kama. Magulo ang buhok nito at wala sa ayos ang kasuotan. Magkasalubong ang kilay nang tumingin kay Thaddeus.
"May date ka? Pauuwiin mo ako kasi magkikita kayo ng girlfriend mo?"
"Wala akong sinasabing ganyan."
"Kung hindi ka makikipag-date saan ka pupunta? Bakit kailangan mo pa akong pauwiin?"
"Rocky, stop asking non-stop questions. Bumaba ka na riyan at kumain na."
"Ayokong kumain, ihatid mo na lang ako." Ngumuso ang dalaga.
"No, you have to eat."
"Nakalimutan mo? Hindi ako kumakain sa umaga."
"Then from now on, sanayin mo ang sarili mo na kumain sa umaga. Now get up and eat."
Hindi maipinta ang mukha ni Rocky. Dagdagan pa ng napakasakit niyang ulo. Hindi naman gano'n kasakit iyon kanina. Kaso nga lang nakatulog siyang muli.
Nakaramdam siya ng inis kay Thaddeus. Pagkakataon na sana niyang masolo ito ngunit heto at pinapalayas na siya. Wala man lang consideration na masakit ang ulo niya.
Aalis ito, malamang makikipag-date. Buti pa cyong babae nabibigyan nito ng oras pero siya? Nganga!
Bumaba siya ng kama na nagngingit-ngit ang kalooban. Gusto niyang umiyak. Palagi na lang siyang isinasantabi ni Thaddeus. Kahit yata maghubad siya sa harapan ay wala itong paki-alam. Tahimik na umupo siya sa mesa.
Masarap naman sana ang pagkain. Kaso wala siyang gana. Hindi siya tinatablan nang ganang kumain tuwing umaga. Nasanay siya sa kape at sigarilyo.
Ilang araw na rin pala na wala siyang yosi. Mamaya, hahalungkatin niya ang nakatambak na pakete ng sigarilyo sa cabinet.
Kinuha niya ang kutsara. Walang imik na sumubo. Dahil maldita siya at naiinis kay Thaddeus, hinding-hindi niya ito kakausapin. Deadmathology ito sa kanya, total naman wala siyang halaga para rito.
"Galit ka ba sa 'kin?"
Obviously! Hindi pa ba halata? Mariing tinusok niya ang tinidor sa beef steak. Buweset lang! Parang binabarina ang ulo niya. Dagdagan pa ng sikmura niya na parang hinahalukay.
Iniwan niya ang pagkain at tumakbo sa loob ng banyo.
Sumuka siya nang sumuka hanggang sa mailabas ang laman ng sikmura. Naroon pa rin ang baho ng inumin sa bibig niya.
"Hays! Di pa ba naubos 'to kagabi? Yuck!" She rubbed her nose and flashed the toilet bowl.
Pinagpapawisan siya. Umupo siya sa gilid. Isinandal ang likod sa pader at hinila ang tuhod para mayakap at maipatong ang ulo.
The worst headache ever. Lalo na't umaandar na naman ang kanyang migraine.
Nakarinig siya ng katok sa pinto. Hindi niya pinansin ang tawag mula sa labas. Bagkus, ipinikit niya ang mga mata. Ikinulong ng may diin sa dalawang palad ang ulo.
BINABASA MO ANG
The 15 Years Age Gap
General FictionThaddeus Johnson Alvaro and Raquella Maurine Roseville, story. Rocky was madly deeply in love with the man who only sees her as a little sister due to their age gap. Ika nga nila age is just a number and it really doesn't matter if your heart chose...