Chapter 2

7K 305 11
                                    

"Happy?" Thaddeus asked.

Nakangiting tumango-tango si Rocky habang dinidilaan ang ice cream. Samantalang naiiling naman ang binata.

"Anong oras ka uuwi?"

Malawak na ngumiti si Rocky.

"Hihintayin kita kasi ihahatid mo ako sa bahay."

"I still have meeting to attend to baka gabihin ako sa pag-uwi."

"Okay lang, hihintayin pa rin kita."

"Mauna ka nang umuwi, ipapahatid kita."

Ngumuso si Rocky saka pinasok sa bungga ang cone ng ice cream.

"Ayoko nga! You have to drop me home."

"Raquella." pigil ang inis.

"Just Rocky, honey!"

Umangat ang ulo niya sa pasaway na dalaga. Walang bakas nang anumang takot ang mukha nito. Normal na normal ang mala-anghel nitong mukha.

"You have to go home dahil marami pa akong kailangan asikasuhin. May pupuntahan pa ako mamaya at hindi na kita maihahatid pa."

Nangalumbaba ito sa mesa niya.

"Saan ka ba pupunta? Can I go with you?"

"No!" Nabigla si Thad sa isinagot.

Dumaan ang lungkot sa mga mata ni Rocky. He cursed in silent, feeling guilty. Bumaba ang tingin nito sa kandungan. At pinaglaruan ang mga daliri.

"Fine! Ihahatid kita mamaya."

"Really?" Umangat ang ulo ni Rocky. Lumiwanag ang mukha nito at nanlaki ang magagandang mga mata.

"Yes, so you behave because I have a ton of work to do."

Tila bata na sumagot nang sunod-sunod na tango si Rocky. Tumayo ito at tumungo sa sofa at doon naupo.

Inaliw ni Rocky ang sarili sa kakabasa ng magazine. Sa huli humiga ito sa sofa, maya-maya pa'y lumalim na paghinga.

Humugot si Thaddeus ng malalim na paghinga bago inabot ang attache case. Tumungo ito sa conference room.

Rocky was yawning. Malapit nang gumabi, kakagising lang niya. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. Nakita niya ang jacket ni Thaddeus sa upuan, ibig sabihin naroon pa rin ito sa opisina. Siguro ay nasa meeting pa ito.

Makalipas ang ilang sandali bumukas ang pintuan. Pumasok si Thaddeus ngunit hindi ito nag-iisa.

Tumaas ang isang kilay niya ng makita ang babaeng kasama ni Thaddeus. Umismid siya sa isipan. May bitbit pa itong bulaklak at nakangiti ang mapupulang labi na parang nilagyan ng azuete.

Masaya itong nakikipag-usap sa lalaking nais niya ipagdamot kanino man. Lumingon sa kanya si Thaddeus, napalis ang ngiti nito.

"Let's go, I'll drop you home dahil may pupuntahan pa ako." Sabi sa kanya.

Tumango siya na parang wala sa sarili. Ni hindi man lang nito ipinakilala ang babaeng nakangiti na naman ulit. Grrr! Naiirita siya.

"Who is she Thad?" The azuete girl asked.

Muntik na niya itong pagtaasan ng kilay. Mabuti na lang at nakapagpigil siya.

"A friend almost like a baby sister."

Nagngingitngit ang loob ni Rocky sa isinagot ni Thaddeus. Tumayo siya at padabog na nauna nang maglakad palabas.

Tahimik siya sa sulok ng elevator habang ang dalawa masayang nagkukwentuhan.

The 15 Years Age GapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon