First Rain

6.5K 77 3
                                    

[a/n] I am just an amateur writer so please forgive me kung mayroon mang grammatical errors :) thank you and happy reading!

***

Napatingin ako sa araw na papalubog na, ang gandang tignan.

Napagpasiyahan kong dumaan sa shortcut dahil naambon at tinatamad akong maglakad.

Napakunot ang noo ko nang makakita ako ng pamilyar na mukha, nakaupo ito sa swing habang umuulan. Nakapikit ang mata nito at nakasandal ang ulo sa bakal na may kalawang.

Basang-basa na siya. Ano nanaman bang trip nito?

"Huh?" Tinignan niya ang kamay niya dahil wala ng napatak na ulan sa kamay niya.

"What are you doing here?" I asked her kaya onti-onti siyang tumingin saakin at sunod ang payong at bumalik nanaman sakin.

"Ikaw pala..." Mahinahong sabi niya. Kinuha niya ang katabing swing at pinagpag niya ito. "Upo ka dali!! Samahan mo ko." Aya niya saakin na parang bata.

"Naulan? Hindi mo ba napapansin?" Nakakunot kong noo. Is she really this oblivious? Parang bata talaga.

"Mas masaya maglaro kapag naulan." Ngumiti siysa sakin pero ngayon kakaiba, kasi kahit nakangiti siya, nakikita ko sa mata niya ang galit.

She wiggled her brows, kaya umupo na ako sa swing.

"Thank you ulit.." I looked at her and I saw her smiling habang nakatingin sa rainbow, nabasa na din ako.

"A-ano bang nangyare nung gabing yon?" I asked.

Naglaho ang ngiti niya ng sandali at tumingin siya uli saakin tsaka tumayo. "Sige bye na, Diopside." Ngumiti uli siya at kumaway saakin bago siya maglakad palayo. Nawala na din ang ulan at uminit na uli.

Napasabunot ako sa buhok ko. Bakit ba kasi napakacurious ko? Kung hindi ko lang yun tinanong ay baka kasama ko parin siya ngayon.

Sa tuwing tinatanong ko kung anong nangyari noon ay palagi siyang naalis. Madalas ko nadin siya nakakasama pero hindi palagi dahil wala naman akong alam sakanya bukod sa pangalan niya, Desty.

Flashback

"Aish.. bakit ba ngayon pa umulan?" inis na usal ko. kung kailan naman kasi uwing-uwi na ako, bigla namang umulan at wala pang masasakyan, mahigit dalawang oras na ako dito.

Pwede ko naman lakarin pero napaka-hassle dahil madudumihan pa ang sapatos at pantalon ko kung hindi lang talaga naulan eh...

10:30 pm na

I sighed, wala na akong choice kundi maglakad dahil lagot nanaman ako sa nanay ko. baka saraduhan pa ako at maging akyat-bahay nanaman ako.

Naglakad na ako at nakaramdamn ako ng matinding inis nang makita ko na baha ang main road papunta saamin. Ano ba kasing meron sa araw na 'to? kainis. Lumiko nalang ako sa isang kanto kung saan may isa pang daan at hindi baha dahil mataas ang lupa, actually mas maikli ang lalakarin ko kung dadaan ako dito pero masyadong madilim kung dito ako dadaan.

hindi ako takot sa dilim pero takot ako sa mga baklang dumaan dito dahil baka mapagtripan ako dahil sa kagwapuhan ko

Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng isang kaluskos at... hikbi?

"mama...ate...mama..."napailing nalang ako, baka naman nagdadrama lang si ate o di kaya kung ano-ano nalang ang naririnig ko.

Nang makalampas ako sa isang lote ay nakarinig nanaman ako ng hikbi at isang kaluskos. sinubukan kong wag pansinin.

"help.. tulong... wag..." napatigil ako sa paglalakad at napasabunot nalang sa buhok ko tsaka pinuntahan ang lote na sa tingin ko ay nandun ang babaeng umiiyak.

Hindi ko na kaya. kahit ayokong mainvolve ay hindi ko kaya na ipagsawalang bahala ang babaeng umiiyak at nagmamakaawa na tulungan siya.

Dahan-dahan akong naglakad papasok sa lote, malamig ang simoy ng hangin kaya lalong tumibok ng mabilis ang puso ko.

"wag.. please.. maawa ka.." napatigil ako nang makita ko ang isang babae na naka-asul na gown na niyayakap ang sarili, magulong-magulo ang buhok niya at puro pasa ang katawan niya.

Bumalik ako sa katinuan dahil sa tuloy-tuloy niyang hikbi kaya tinanggal ko ang jacket ko at mabilis na pumunta sakanya.

"Ah! wag po!!" napasapo nalang ako sa noo, hindi talaga ako nagiisip.

"miss.. I'm here to help you, i'm not going to hurt you." mahinahon kong sabi.

Nakita kong tumigil ito sa paghikbi at pinunasan ang luha niya bago tumingin sakin. "Really?" she asked, kitang-kita ko sa mata ang takot.

I nodded and smiled. lumuhod ako sa harap niya at sinundan naman niya ako ng tingin. I offered her my jacket. "It's cold, wear this."

Tinignan niya ang jacket ko at nilipat ang tingin sakin. I smiled at her, assuring her na okay lang. She reached for the jacket, her hands were trembling. 

"Let's go?" I asked and offered my hand, kinuha niya naman ito and dang, her hands were as cold as ice, lalo akong nilamig. Inalalayan ko siyang maglakad.

"thank you..." She whispered. hindi pa siya makasalita ng maayos dahil siguro hanggang ngayon ay kinakabahan pa siya.

"gusto mo bang pumunta ng police station para ireport ang gumawa nito sayo?" I asked.

Naramdaman kong kumuyom ang kamay niya at nagsimula nanamang maglabasan ang mga luha sa mata niya.

"ay, uy, wag ka na umiyak miss. baka sabihin nilang pinaiyak kita.." pagpapatahan ko sakanya.

Tumingin siya sa mata ko at bahagyang ngumiti. "thank you..."

And ngayon lang sakin nagsink-in, na napakaganda pala ng babaeng tinulungan ko.

End of flashback

Destiny RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon