Its really been a long time. Sorry po. :| tao lamang po at graduating. :)))
Yipeeee!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
LALAKING LAMPA'S P.O.V.
*Eto po si Lalaking lampa.*
Sa totoo lang... Medyo naaasar na ako sa lalaking 'to e. Napaka-yabang! Pero sa tingin ko din... May ipagyayabang sya... kase....
----> ayun oh. Tignan nyo naman. Yung mga babae... Sobra makatingin sa kanya. Kahit nga yung mga babae dun sa fourth floor. Naku! Mga ganyang tao... dapat hindi pinapalaki ang ulo. Yumayabang.
Teka. At bakit... parang napaka-possesive nya pagdating dito kay... Kayla?
At bakit... parang ang dami ko yatang tanong?
AHHHH! Erase. Nandito ka dahil sa isang dahilan. Mag-aral. Ah sige. Gawin na nating dalawa. Para ....
"Lance.Lance diba?" - Kayla
Naputol yung pag-iisip ko. TInawag na naman kasi ako nitong si Kayla. Teka.
Oo nga pala. Andito na kami sa may hallway ng second floor. Maayos naman. Mahangin. Maaliwalas. Maganda ang view ...
"Patay. Late na yata tayo. Imbyerna pa naman yung teacher na yun.Bading kase." Pagsiko pa sakin ni Kayla senyales na nagjo-joke sya. Pero, sa totoo lang ha... Hindi kasi ako yung taong palatawa. Kumbaga... kaya ako nilipat dito ng auntie ko para daw matuto akong ngumiti. Abnormal yung mga yun e.
Pero dahil mabait naman ang pakikitungo sa akin ni Kayla at mukhang hindi naman sya katulad ng ibang babae sa dati kong pinapasukan na school e ...
"Ha-Ha-Ha-Ha!!" Oo. Sige. Aminado na ako na tawang robot yung tawa ko.
"Huh?" Si kayla. Ayun nagtataka.
...
Nakita ko. Huminga sya ng malalim . Nag-ayos ng sarili. Mukha nga siguro talagang strikto yung teacher.
"Okay lang yan. Sabihin natin nagpasama ako sayo." Pag-aassure ko sa kanya na hindi kami papagalitan.
Hindi ko expected yung isasagot nya sa akin. Hindi ko akalaing may babae pang hindi natatablan ng charm ko.
"Wow lang ha. So feeling mo hindi tayo papagalitan pag sinabi kong nagpasama ka sa akin. Close kayo ni Sir?"- Kayla
Sabagay. may point sya.
Tinawag ko sya bago nya buksan yung pinto ng classroom daw namin.
"kay-la." Nag-iba yung mukha nya. Sumimangot at akala mo ninakawan ko sya.
"Ha? Bakit? May nasabi ba ko?"
"Una sa lahat. Patay ako kay Sir dahil late na ako sa klase nya at pangalawa...."
Hindi nya naituloy yung sasabihin nya kasi biglang bumukas yung pinto at bumalandra sa harap ko yung lalaking mayabang na akala mo may hydrocephalus sa sobrang laki ng ulo.
"Aba. Tignan mo nga naman. At dito nyo pa natripan mag-date ah. Ayos!" - lalaking mayabang.
"Justiniano." Si Kayla. inirapan na naman nya yung lalaki at medyo natawa ako sa itinawag nya dun sa lalaki. <_<
"Ano!? Anong itinawag mo sakin?" Parang bulkang sasabog na si Justiniano. Hahaha!
"JUS-TI-NIA-NO" Sinabi pa yun si Kayla na inisa-isa yung syllables ng Justiniano.
BINABASA MO ANG
He's my Sister's Brother...
Fiksi RemajaGusto ko ng kuya, ng kapatid at gusto ko ng first ever serious relationship pero hindi sa katauhan ni Justin. Ang hirap lalo na kung may binitawan akong promise na hinding-hindi ako maiin-love sa Kuya niya.