WRONG SENDXD (ONE-SHOT)

53 4 0
                                    

Lahat naman siguro tayo may crush/hinahangaan. 

Hindi natin maiiwasan yun sabi nila ABNORMAL ka kung wala kang crush pero ako oo abnormal ata ako wala akong crush  at lagi kong sinasabi "HNDI AKO MAG-AASAWA" pero sabi nga nila WAG KANG MAGSALITA NG TAPOS. 

HAHAHA! Mukha ngang nagkamali ako dahil bwiset nagkacrush ako sa isang gwapo,sikat,at matalinong lalaking toh! 

Alam ko malayo siyang magkagusto sa isang katulad kong simple,hindi ganun kaganda,hindi mayaman na katulad ko. Tanggap ko yun pero crush ko lang naman siya e. Oo na gwapo kasi talaga siya.

"Oy celine tulala ka nanaman dyan? EMOTE EMOTE mo dyan?" sabi ng bestfriend kong si denice. 

"Wala naman bakit ba?"  sabi ko pero nakatingin pa din sa labas ng bintana. Napa HAYS na lng siya at umupo sa tabi ko.

"Asus! If I know iniisip mo nanaman yung crush mong si drew?" Argh oo na iniisip ko na sya tae naman tong babaeng toh eh kabisado talaga ako neto kakainis.

"Hndi noh. Bat ko naman iisipin yun?"pagtanggi pero sa loob loob ko tae full memory na utak ko kakaisip sa kanya.

"FVCK! Celine hahaha baguhan ka talaga sa pagsisinunggaling ay nakow! Ano ka ngayon may pamadre madre ka pang sinasabi dyan dati at hindi ka magkakagusto sa lalaki? Ano ng nangyari ngayon? Kinain mo na ata yung sinabi mong yun? pang-aasar nya sakin.

Kaya kasi ako nagkagusto kay drew eh dahil ang talino nya ang talented nya bonus lang yung kagwapuhan nya and ofcourse gentlemen siya malay ko bang may natitira pang ganun dito sa mundo ERRRR! Hindi ko na alam gagawin ko makita ko lang sya nag hy-hyper ventilate na ako. 

Yung mga ngiti nyang makalaglag panty! Yung tawa nyang nakaka pagpangiti kahit sino eh talaga namang kahit ata tibo ay babalik sa pagiging babae! Sama mo na din yung mga beki! 

"Bessy grabe anlakas ng tama ko sa kanya!" pagmamaktol ko sa harap ni denice napangiti na lng si gaga nung narinig niya ang sinabi ko.

Mabilis natapos ang oras at uwian na eto talaga ang the best part at best feeling yung uwian na! Miss na miss ko na ang kama ko pramis. 

As usual marami ang naghihiyawan nung narinig yung bell maraming pakalat kalat sa corridors. Inayos ko na din yung gamit ko, nakita ko si bess na papalapit sakin.

"Bess una na ako ha nagmamadali ako e may dinner daw kme nila dad andyan na din yung service ko." Ngumiti ako at nagpaalam din sa kanya kiniss ko din yung right cheek niya! Ganun din sya sakin. 

Mayaman sila bess, nakapasok lng naman ako dito sa school na toh e dahil napasa ko naman yung exam nila well hindi ko yun inaasahan pinag try lng ako nila mommy kaya dapat kong imaintain yung mga grades ko. 

Palabas na ako ng room tinignan ko yung mga tao sa hallways medyo unti na lng dahil mga atat din magsi-uwian yung mga yun. Tinignan ko din yung pintuan nila drew na katabi lng ng room namin section 1 kasi yun section 2 lng ako kilalang matatalino ang section 1 at 2 kami lng yung naglalaban laban. 

Kaya swerte din ako kasi minsan sa fieldtrip,activities,plays,P.E lagi naming kasama ang section 1 kaya lagi ko nakikita si papa drew:P HAHAHAHA! 

At yun na nga nakita kong wala ng tao sa room nila pagkadaan ko kaya uuwi na din ako anubayan hndi ko man lang nasilayan! Tsk Tsk. 

Pero sa maniwala kayo o hindi may cellphone number ako nyan ni papadrew! Hahaha oh dba! May kaibigan kse kmi ni denice sa section 1 minsan nakakasama namin sya eh nung nag P.E kme pinahawak nya sakin yung cellphone nya. 

Balak ko lng sanang tignan yung mga pictures niya dun sa cellphone eh kaso napatingin ako sa contacts at nako nakita ko yung number ni drew! Tinignan kong mabuti at nakabisado ko kaagad kinikilig pa ako nun grabe. 

Kaya ayun haha meron akong number niya pero hindi ko naman tinetext noh sabihin pa nun feeling close ako. Pinapabayaan ko lng siya sa contacts ko! 

Hindi ko namalayan sa pag da-day dream ko kay drew ay may nabangga ako habang pababa na sa hagdan ng school sobrang lakas ng impact kaya napaupo ako sa sahig at nalaglag yung mga ibang gamit ko. 

Letche naman ang sakit ng pwet ko! Inis kong pinulot yung mga libro ko. 

"Miss sorry ha tulungan na kita." sabi nung nakabunggo sakin buti naman. Pagkatapos kong pulutin yung mga libro ko inabot naman niya sakin yung mga iba ko pang gamit kaya napatingin ako sa kanya AND WHAT THE HELL GRABE JUSMIYO SUSMARYOSEP ANAK KA NG NANAY MO! SI DREW ANG NABANGGA KO HALLELUJAH! 

Hindi ko alam kung mangingisay na ba ako dito basta grabe natulala lang ako sa kanya! 

"Ah a--ano ah so---sorry ha nabunggo kita." sabi ko sa sobrang kaba ko nabubulol ako. 

"Haha okay lng nasaktan kaba anlakas kasi ng pagkakabagsak mo eh." sabi nya with worried face. Kinikilg ako ENEBE! 

"Haha oo naman okay lng ako ikaw? okay ka lng ba?!" ako yan syempre with matching alala din. 

"Don't worry about me okay lng din ako sa susunod mag-iingat kana ha?" sa sinabi nyang yun sobrang kinilig ako naiihi na nga ako actually!!!

Nag nod na lng ako sa knya at ngumiti nagpaalam na din sya kaya bumababa na din ako gravity hndi ko kinaya yun!!!! 

Pagkauwi ko sa bahay nag kiss ako kay mommy at umakyat sa kwarto ko para magpalit excited na akong ikwento toh kay denice. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nag simula nang mag type. 

BESS DENICE MALOLOKA KA SA SASABIHIN KO ALAM MO BANG KANINA GRABE ANG BUSANGOT NG FACE KO DAHIL NGA HINDI KO NAKITA SI DREW PERO NUNG UWIAN WAG KA BESS NABUNGGO KO SYA SA CORRIDOR MALAPIT SA STAIRS GRABE ACCIDENT LANG ANG NAGYARI HINDI AKO MAKAPANIWALA TINULUNGAN NIYA AKONG PULUTIN YUNG MGA GAMIT KO GRABE BESS MAKALAGLAG PANTY ANG DRAMA KO!! AYSUSMARYOSEP TALAGA BESS! AT SINABI NYA PANG MAG-IINGAT AKO SA SUSUNOD! :))) KILIG AKO BESS MINSAN LNG AKONG MAPANSIN NI DREW IBANG KLASE. 

Tingin sa contacts.... 

AIRA

ANDREW

BENJIE

BEA

CATH

CELESTINE

DENICE

DREW<3

Nakita ko yung name ni bess sa contacts ko at grabe kinikilig talaga ako kaya sinend ko na kay bess grabe talaga tinignan ko yung cellphone ko kung nasend ko na ba kay bess and what the hell SH*T NO! 

KAY DREW NA-SEND SA SOBRANG KILIG KO PALA KANINA NAPABABA YUNG DALIRI KO AT KAY DREW NA-ISEND HALA JUSMIYO!!! ANOBAYAN!!!! HINDI KO ALAM GAGAWIN KO!! NAGTYPE ULIT AKO

BESS HINDI KA MANINIWALA NA SEND  KO KAY DREW YUNG DAPAT ISESEND KO SAYO BESS ANONG GAGAWIN KO? TURN-OFF SAKIN YUN SABHIN PSYCHO AKO WEIRD BESS PANO NA YAN BUKING NA AKO PANIGURADO LALAYUAN AKO NUN! NATANDAAN NYA NAMAN SIGURO MUKHA KO HALA BESS :(((( 

Dali dali kong sinend yan pero hayop may nagtext at napunta ako sa recent numbers katabi ng number ni drew ang number ni denice kaya ang akala ko kay denice eh napunta ulit kay drew T*N*I*A lng ayoko na waaaaaaaa :"( 

Tinignan ko yung nagtetxt nakita kong nagreply si drew. 

DREW<3

Excuse me? ikaw ba yung babae knina kong nabunggo? 

Kinakabahan ako tae  nagreply ulit siya dun sa pangalawa kong  wrong send. 

DREW<3

HAHAHA REALLY? Crush mo ako? HAHAHA I find it cute so? Hi Im drew and you are?:)

AND YEAH! NAPANGITI NA LNG DIN AKO:") 

(A/N: HAHAHA:) THANKYOU PO SA PAGBABASA INGAT PO KAYO:) LOVELOTS! <3 <3 <3 

WRONG SENDXD (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon