Para sa Mahal ko.

27 0 0
                                    

Sinimulan ko itong pagwawattpad dahil sa ate ko. Lagi kasi siyang nagbabasa at sinubukan na din niyang magsulat dito. Diko binigyan ng pansin kasi akala ko noong una na pambabae lang toh. Amputa naman, nagiging bakla na ata ako?! Sana naging bakla nalang ako ng di na ako nahihirapan at nasasaktan ng ganito. Ang gago lang? Noon tinitipa ko itong keyboard ko dahil naglalaro ako ng dota at left 4 dead nagyon, ginagamit ko na ito para ilabas ang sama ng loob ko? di ba ang bakla?!

Nagsimula akong mag-isip nitong nakaraang mga linggo kung magsusulat na ba ako dito, ewan diko kasi mailabas itong sama ng loob ko. Diko kasi pwedeng ishare sa tropa ko itong problema ko o kahit sa ate ko, o kahit kanino.. Kaya naisip ko na isulat nalang dito para naman kahit papaano mabawasan yung bigat at sakit na nararamdaman ko. Matagal ko na sanang ginawa ito pero nahihiya ako. Ambaduy at ang bakla kasi mga tol. Kaya ang ginawa ko, inilagay ko nalang sa Microsoft nung una, pero naalala ko, sino kaya ang makakatulong sa akin kung di ko naman ipapabasa sa iba. Diba?

Nagsimula lahat ng kabaduyan ko at kabaklaan ko noong November 6, 2013.

May klase ako noon ng 6:00 to 7:00pm ng gabi, Architecture student ako sa SLU dito sa Baguio City. First year student, Second Sem. yun nga 6 to 7pm ang klase ko. Pagod na at nilalamig, (MWF pala ang schedule ko nito) Communication Arts ang subject ko sa oras na iyon. Sa buong maghapon wala akong nakitang chix na okay.

Pagpasok ko sa room, nakita ko yung isang tropa ko. Yes! may kakilala na ako, atleast di na ako makikipag kilala sa iba para magkaroon ng kausap. Kunti palang kami nun, siyempre first day madami pang ireg ang sched. Naglakad na ako papunta sa likod katabi si Josh (yung tropa ko). Nag-apir kami at nag-usap ng kaunti. Dahil nasa likod kami siyempre mapagmamasdan namin lahat ng mga kakklase namin  na nakatalikod. Ibang block itong napuntahan namin, international ata? Kasi puro ibang course. Naghintay kami para sa first bell, ayun! nagbell na. pero natapos ang 15 minutes na kailangang paghintay sa Prof. wala pa din siya, kaya ayun maag kaming umuwi.

Yan muna ah... kasi magbabasketball pa ako!

-Primo

Para sa Mahal ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon