Para sa kanya.

5 0 0
                                    

Nung gabing narealize kong Mahal ko na siya, Di ako makatulog. Di ako makapakali. Alam mo ba yung pakiramdam na masaya pero natatakot ako kasi baka di niya tanggapin yung pagmamahal ko. Ayaw ko namang maging sawi sa unang pagkakataong magmamahal ako. At mula noon iba na ang naging tingin ko sa buhay, parang mas naging makulay OO! korni na kung korni pagbigyan niyo na ako. Parang gumugising na ako para makita siya. Hindi tulad noon nakakabwisit gumising kasi kailangan nanamang pumasok. Ngayon ibang iba na, ganito pala yung pakiramdam.

Ganun parin yung ginagawa ko, tuwing may vacant ako pumupunta ako sa Perfecto Building para masilayan siya. At di ako nagsasawang gawin yun. Kasi kahit makita ko lang siya masaya na ako. At di naman ako nabibigong makita siya, kasi lagi lang siyang nasa 5th floor lobby kasama mga kaklase at kaibigan niya na naghihintay ng susunod na klase. Minsan nga tinatanong na ako ng mga katropa ko bakit di na ako nagpupunta sa TNC para maglaro, at di na nila ako madalas makita, at di na din daw nila ako madaling bwisitin. Lahat sila nanghula kung anong nangyayari sa akin at lahat sila ay tama ang hula MAY NAKADENGGOY na daw sa akin na babae. Di ko nalng sila sinagot, baka kasi masira pa diskarte ko eh mahirap na.

Ano ba yung mga ginagawa ko para sa kanya? Di ko naman siya binibigyan ng mga bulaklak, chocolates o di kaya mga mamahaling bagay. Oras at gawa yung binibigay ko sa kanya. Pero ewan ko ba manhid ata siya? Pero may mali din naman kasi ako, diko sinabi sa kanyang gusto kong manligaw. Natatakot kasi akong lumayo siya. Ganun naman kasi madalas ang mga babae. Dahil pareho ang last class namin na pang-gabi 6 to 7 ang ginagawa ko ay hinahatid ko siya ng palihim. Hinihintay ko hanggang makasakay na siya ng jeep. Madilim kasi doon sa sakayan ng jeep, baka mapaano siya. Pagnakasakay na siya aalis na ako, pero pag may kasama siya o kasabay sa pag-uwi di ko na siya hinahatid ng palihim. Binilhan ko na siya ng kape noon, malamig kasi, tinanggap naman niya, sabi niya sa akin noon papalitan niya. Sana pagmamahal nalang ipalit niya, Naks! pumipick up. Ayon nagpatuloy yung pagkabaliw ko sa kanya hanggang....

Para sa Mahal ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon