Nakilala ko na siya.

20 0 0
                                    

Goodmorning sa inyo, ito na yung katuloy ng kwento ko.

Wednesday. Ito na, papunta na ako sa room namin sa klase kong 6 to 7. Nakita kong bukas na yung pintuan ng room, at madami ng mga taong nakatambay dito. Eh di pumasok na ako, at pumunta na sa upuan namin ni Josh sa likod. Ayan, andiyan na yung professor namin, kaya lahat ng estudyante nag sipasok na. At nangyari na ang dapat mangyari, nagpakilala si Prof. at tungkol naman sa seating arrangement namin, kami na daw bahala. Ayos to ah, di na kami lumipat ni Josh. Pero napansin ko na ang daming nagpalikod hehehe gwapo ko kasi jk. Pero madami-dami ding nagpunta sa harap. Nang naayos na ang lahat, umalis muna si Prof. para kumuha ng Attendance sheet. Ayon! nagkagulo ang lahat, pero dahil di ko kablock ang andoon, tahimik lang ako. Nang biglang may kumuha ng atensiyon kong babae. Nasa column ko siya at nasa pinaka harap siya. May apat lang na nakapagitan sa amin kaya kitang kita ko siya. Nakaharap siya sa akin ngayon, tumatawa - ang ganda ganda ng tawa niya. Tapos mag-mamake face siya sa kausap niya kong ayaw niya yung pinag-uusapan nila. Hawak hawak niya yung buhok niya at ang ganda din ng buhok niya, kakaiba. Dumating na ulit si Prof. umayos na ang lahat ng upo at humarap na sa harap kabilang na siya doon. Mula noon lagi ko nalang siyang tinititigan tuwing nakatalikod siya. Ang saya saya ko tuwing kinakausap niya ang kaibigan niyang nasa likuran niya, kasi nasisilayan ko ang laging nakangiting mukha niya. Minsan naglalakad ako sa likod niya. Minsan din pag nakatayo siya sa labas linalapitan ko siya, pero di ko siya magawang kausapin. Tatabi lang ako sa pwesto niya, kunyari naghihintay lang din. Minsan nung groupings namin, sinubukan kong humabol at sumama sa group na napili niya, pero dahil malas, sobra na sila sa groupo. Pero nakasama sa grupo nila si Josh. Lagi kong tinatanong si Josh kong may kausap na siya at kaibigan sa grupo nila, at sinabi niyang si Crush ko lang daw ang kau-kausap niya doon at kakwentuhan. Buti pa nga siya nakakausap niya, ako bokya wala pa din. Badtrip diba?

Araw na ng pag-perform namin sa subject na yun, gustong gusto ko sanang magpapansin sa kanya gamit ang galing ko, pero dahil malas nga ako yun, wala pa din ang grupo nila. Late. Nang grupo na nila ang magpeperform, magkatabi sila ni Josh. Nagseselos na ako sa mga oras na yon, kasi napansin kong close sila at laging nagtatawanan. Tinanong ko si Josh; "Pre, chix mo ba yun?" sabi naman niya hindi daw, may girlfriend na daw siya. Sadyang palatawa, mabait at masarap kausap daw ang Crush ko. Dahil sa sinabi ni Josh na hindi naman sila, narelieved ako ng sobra sobra. At nadagdagan nanaman ang pagkagusto ko sa kanya.

Habang tumatagal gumagawa na ako ng paraan para makausap siya, dahil siya ang treasurer namin, siya yung tumatayo at lumalapit para mangolekta ng bayad. Yun yung ginagawa kong dahilan para makausap siya. Minsan binibiro ko siya, at dun ko napatunayan na palatawa nga siya, ang ganda ng tunog ng tawa niya. At ang ganda niyang tumawa. Badoy ko na ba? Pasensiya na ah. At may isa pa siyang katangian na talaga namang nagpalala ng pagtingin ko sa kanya. Nung minsan kasi yung katabi ko walang pera, pero okay lang daw sa Crush ko. At siya na ang umako dun sa part ng katabi ko. Ang bait niya. Oo, pera lang yun, ewan ko ba kung mayaman siya at kaya niyang maging ganun ka-generous, pero it is the thought that counts diba?

-Primo

Para sa Mahal ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon