Nahuli niya ako.

9 0 0
                                    

Marami nang araw ang lumipas. Ayun mas lumalala pa ata tong 'sakit' ko sa kanya. Tuwing nakikita ko siya gumagaan at sumasaya ang pakiramdam ko. Kahit pagod na pagod na ako at andaming stress sa mga requirements ko. Nung minsan nga masakit ang ulo ko, nakatayo ako sa hall way, naghihintay magbell at klase ko na doon sa Com.Arts kung saan ko siya kaklase. Nasa tabi ako ng pintuan nun, siya ang unang lumabas, kaya ako natulala na namin. Ang gag* lang. Kalalaki kong tao natutulala ako sa kanya. Nagmamadali siya nun, kaya na tabig niya ako. Tumigil siya kaagad at nag-sorry, napansin ata niyang tulala pa din ako. Tinanong niya ako kung okay lang ba ako. Sabi ko okay lang, medyo masakit lang ang ulo kako. At nagulat ako sa ginawa niya. Binigyan niya ako ng Biogesic. SDabi pa niya, "Pasensiya na kung nabangga kita ah, pupunta pa kasi akong magpaphotocopy para sa english natin, ito oh gamot, inumin mo para di na sumakit, sorry wala akong tubig ngayon. Sige pasok ka na." Parang kahapon lang niya sinabi yan sa akin kasi tandang tanda ko pa hehehe. Para na akong asong manyak, kasi naamoy ko siya. Ang bango niya, amoy polbos na hindi ganun katapang yung amoy basta ambango.

Pagkatapos nun, di ko na siya masyadong kinakausap, para na kasi akonng ulol. Di ako sanay na ganito pati sa ibang klase ko ulol na ako.

Pero nung minsan kasi diko siya maiwasang titigan- yung likod niya. hehehe. Nang bigla siyang humarap sa akin, diko alam ang gagawin ko kung iiwas ba ako ng tingin o hindi. At dahil malakas ang loob ko nung oras na yun, di ako nag-alis ng tingin. Nakatingin pa din siya sa akin, ako naman inyaos ko yung upo ko at nag Ninoy Aquino ng kamay at nginitian ko siya. Ngumiti din siya sa akin, sabi ko sa isip ko, ayos to ah. Pagkatapos nun, kinausap na niya ang katabi niya. Ayos na ako doon, okay na. Energy ko na yun ng buong isang linggo. May naging magandang resulta naman yung pagngiti niya, sabi ng coach ko sa Volleyball gumagaling daw ako.

Lagi ko na siyang nginingitian. Minsan sinasadya ko pa siyang tabigin para makausap ko siya. Laging ganun ginagawa ko hanggang mag December na.

-Primo

Para sa Mahal ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon