Dwayne's Point of view.
As usual, nandito nanaman ako sa bar kasama ko ang mga kaibigan ko. Nagkayayaan kasi, sinagot na daw ni Dana si Yuan. Tss, first time magseryoso ng g*go!
"By the way, congrats nga pala bro" Bati ko kay Yuan. Hindi ako makapaniwala na napasagot nya si Dana, sabagay maganda naman si Dana sexy pa.
"Thank you, bro" sabi nya at nakipag kamay sakin.
Hindi ko nga alam kung anong nakita ni Dana kay Yuan at sinagot nya yung mokong na yon.
"Ikaw, Dwayne? Kelan ka magkakaroon ng Girlfriend" Tanong ni Yuan. Napailing na lang ako. Wala sa bukobularyo ko yan, hindi ko sasayangin ang oras ko sa mga pabebeng babae lang.
"Wala akong time sa ganyan, bro" sabi ko at uminom na lang, nagkatinginan naman sila ni Angelo "What!!" tanong ko pa.
"Seryoso bro?! Ayaw mo talaga?" tanong ni Angelo. Kelangan ko pa bang ulitin? Umiling ulit ako. "Kahit pa, makita mo yung kapatid ni Dana?" tanong nanaman ni Angelo ang kulit! Puta.
"So, what" sabi ko at nanigarilyo na lang. "Hindi ko sasayangin ang oras ko sa babae para magseryoso" sabi ko pa.
"Tss!" sabi na lang ni Angelo. "Hindi ka talaga nagseseryoso sa babae, para sayo playtime lang sila" sabi nya at mahinang tumawa. At uminom ulit ng alak
Ulol ka talaga Angelo.
"Restroom lang ako" sabi ko at tumayo na, totoo naman ang sinabi ni Angelo para sa playtime lang ang mga babae ko.
May sineryoso na ko kaso niloko ako, at hindi ko yon sinabi kila Yuan alam kong hindi maniniwala yung mga yun kaya naglihim ako sakanila tsaka baka------
"What the hell!!!" sigaw ko! Puta natapunan pa ko ng juice, what the ang baho ko na. Napatingin ako dun sa babaeng may hawak kanina ng juice at halatang nagulat sya, pero binawi nya agad.
"Sorry" sabi nya at nilagpasan ako! Ganon na lang yon? Pagkatapos akong tapunan lalayasan pa ko! Hinila ko yung braso nya paharap sakin. Pagtinitigan mo maganda naman sya, cute wait what?? Anong sabi ko?
"Wait, did you know? How much this shirt?" sabi ko na may halong inis. Nakakabwisit sya ah, wala pa naman akong extra t-shirt sa kotse ko.
Tinaasan nya lang ako ng kilay at nag lakad na ulit! Akala mo kung sinong maganda, manang naman. Hayst!! Bwisit dumeretsyo na lang ako sa table namin. Hindi na tuloy ako na ka pag-cr.
"Anong ngyari sa tshirt mo, Dwayne?" tanong ni Yuan. Hindi ko sya pinansin, nabwisit ako dun sa babae na yon!
"Pandak, pupunta pala si ate. Actually nandito na sya kumuha lang ng juice" narinig kong sabi ni Dana. "Oh, ayan na pala sya" sabi nya pa! Pero dinedma ko na lang iniisip ko pa yung manang na bumangga sakin kanina. Ang asim tuloy ng tshirt ko puta talaga.
"Dwayne, Angelo. Meet my sister, Sachi Camille Alvarez" sabi ni Dana kaya napatingin ako. Wait? Sya yung
"IKAW?!"
BWISET!!
-----------