Dwayne's POV
"Ikaw!!!" sabay na sabi namin nung camille. Wrong timing naman tong babaeng to!
"Wait, magkakilala kayong dalawa" tanong ni Dana. So kapatid nya pala ting si manang.
"No!" sabay ulit na sabi namin. Ano nakikigaya lang?!
"Siya ang dahilan kung, bakit natapunan ako ng juice na hawak nya kanina" pagpapaliwanag ko! Natawa naman si gelo "Anong nakakatawa" tanong ko pa. Bwisit to ah!
"Wala" sabi nya.
"Nag-sorry na nga diba?! Ambingi mo naman" sabi nya kaya napatingin ako sakanya at sinamaan sya ng tingin. Pasalamat sya babae sya kung hindi. Nako!
"Tsk!" sabi ko na lang at tumayo na! Uuwi na lang ako. Nahahi-highblood ako sa babaeng tong.
"Pikon." sabi nya pa pero hindi ko na lang pinansin.
"Where you going, brad?" tanong si Yuan.
"I'm going home." i said.
"Oh, c'mon dwayne! Hindi pa nga tayo tapos mag-inom eh" sabi ni gelo habang naka pout!
"Bakla. Mukha kang asong ulol" sabi ko kaya sinamaan nya ko ng tingin natawa na lang ako!
"Ituloy nyo na lang yan! Inaantok na ko" sabi ko at naglakad na. Sa totoo lang ayoko pa talagang umuwi pero nung nakita ko at natapunan ako ng juice ng babaeng yon. Nabadtrip na ko tsaka nawalan na ko ng ganang maginom.
Itutulog ko na lang siguro to..
Kinabukasan...
7:50 na ang aga ko nanaman nagising! Nakakatamad pumasooookkkkk!
Tulog
Tulog
Tulog
"KUYAAAAA DWAYNEEEEE! GISING NAAAAA!" P*TA NAGISING ATA KALULUWA KO DON AH. sumakit tuloy ulo ko! Aishhhh.
"Ano ba 'yon" inis kong bungad sa kapatid ko! Parang nakalunok ng mikropono sa lalamunan.
"Breakfast is ready! Kaya maligo ka na, ang baho mo na!" sabi ng magaling kong kapatid at tinalikuran ako. May lahing aswang siguro yon.
Dumaretsyo na lang ako sa cr. Nawala na yung tulog ko, kumuha ako ng tuwalya sa kabinet rmtsaka dumaretsyo na sa cr.
After 30 min.
I'm done! Bumaba nako para kumain ng umagahan. Naabutan ko silang kumakain na. Napatingin tuloy si jannah sakin habang natatawa tawa pa, sinamaan ko sya ng tingin. Sinira nya yung tulog ko!!
"Alis nako!" sabi ko pagkatapos kumain at kinuha na yung gamit ko.
"Sama na'ko, kuya" sabi ni Jannah at kiniss sa chicks sila dad.
Habang nagmamaneho ako hindi ko pinapansin si Jannah, bwisit yan eh! Hindi sana ako papasok.
"Kuya, kamusta pala si Vince?" tanong nya
"K lang." sabi ko
"Ahhh, ang gwapo gwapo talaga nya"
"Then?!"
"Amp, ang sungit"
Hindi ko na sya pinansin at pinarada na yung kotse. Nauna na syang pumasok!
"Yow" bungad ni Yuan
"Kamusta tulog?" tanong ni Vince, "Hindi man lang kayo nag-aya. Magiinom pala kayo" sabi pa ni Vince.
"May transferee nga pala tayo, bro" sabi ni gelo habang naninigarilyo.
"Bakit, alam mo?" tanong ko
"Naki, chismis ako sa mga babae kanina sa hallway" sabi pa nya. Yes naman dakilang chismoso.
"Ptfff, chismoso eh" sabi ni Yuan.
"Gwapo naman" dugtong pa ni Gelo.
"Hangin mo, g*go!" sabi ko sabay batok sakanya.
"Bro, crush ko nga pala si Irene! Yung pinsan ni Dana!" biglang sabi ni gelo. Na nakatingin sa ibang dereksyon. Napatingin naman kami kung saan sya nakatingin. Nakita namin si irene na nagiipit ng buhok, maputi at makinis ang balat maganda, mapula ang labi
Kaya pala nagustuhan ni gelo kasi ang hot hahahaha. Malandi ang g*go
Pumasok na lang kami sa room. As usual sobrang ingay!
Umupo na lang ako tska nanahimik na bigla naman lumapit si Ashley sa tabi ko. Isa sa mga babae ko! Galing diba.
"Hi, babe" bati nya, nginitian ko na lang. Tumahimik naman sya. Buti naman.
"Godmorning class" bati samin ni Miss. Santos "You have a new classmate, Go inside miss" sabi ni mrs santos kaya naman napatingin kami sa pintuan. Ng makapasok na yung bago naming kaklase namin.
Eto na ngayong ang mukha ko!
O_O
sya
^_^
"Hi, Goodmorning. My name is Sachi Camille Alvarez. Be good to me. Thank you" sabi nya sabay bow. Ano nagtutula lang?
"Umupo ka na, miss. Alvarez"
"Ahm, ma'am. Saan po yung upuan ko"
"Sa...." Tumingin muna sa paligid si miss na para bang naghahanap ng upuan ni Camille.
Bwisit! Bakit sa tabi ko pa?
"Oh, don sa tabi ni mr. Lopez" turo ni maam sa upuan sa tabi ko.
Okay!!!