[ 1 ]

1.2K 18 1
                                    




CHAPTER ONE




Sarah's POV 



Nandito kami ngayon sa classroom ng kaibigan ko. Magkatabi kami at dahil may Prof sa harap na nagtuturo, palihim kaming nag-uusap. 


"Girl! Guess what?" Sabi niya. 


"Hindi ako manghuhula kaya sabihin mo na." Inip na sagot ko. 


"Excited talaga kapag tsismis, 'no?" Pang-aasar niya at bago pa ako maka-react ay nagsalita na siya ulit. Ngumiti siya, "kami na ni Mario!" Kilig na kilig niyang balita sa akin. 


Okaaay? *Cricket sound* 


"Wow, nth comeback." I deadpanned. Pang-ilan na ba 'yan? Hindi lang second chance binigay niya, e. Si Betty masyadong generous. 


"Thank you sa enthusiasm, ha." Sarcastic na sabi niya, nainis ata sa reaction ko. 


Trip ko siyang inisin kaya nag-reply na lang ako ng 'welcome' na para bang hindi obvious ang sarcasm niya. 


"Ayaw mo ba talaga si Mario para sa akin?" Tanong niya bigla. Ay, nag-serious mode. 


"Oo. Lagi ko naman sinasabi sa'yo 'yan. Nakakainis kasi na bigla ka na lang tatawag sa akin na umiiyak dahil sa kaniya. Nakakarami na si Mario, Boop. Ako lang dapat ang umaalipusta sa'yo.


Napangiti siya—teka, ano bang nakakatuwa sa sinabi ko? "Ngiti-ngiti ka d'yan?" 


"Wala lang, natutuwa lang ako na concern ka sa akin." Nakangiti pa rin siya, luh. Akala niya ata joke ko lang 'yung aalipustahin ko siya. 


"Uy, Boop, seryoso ako. Aalipustahin talaga kita." Dahil doon sumimangot siya kaya napatawa ako nang malakas, priceless 'yung mukha niya. 


"Miss Sarah Do-Mattah!" Sigaw nung Prof ko. "GO TO DETENTION NOW!" Hindi naman niya kailangan banggitin buong pangalan ko susunod naman ako. Tsk. 


Tumayo ako at lumabas na, pero nahuli ko pang nag-belat si Betty Boop. Mamaya ka sa'kin! 




• 

M.U.Where stories live. Discover now