[ 5 ]

164 6 0
                                    




CHAPTER FIVE




Sarah's POV 


"Dito lang kayo. Kayo na bahala sa tindahan aalis lang muna ako." Paalam ni Tita Mavie samin ni Abbey. "At ikaw, Bebe," tumingin siya sa anak niyang hindi ata siya pinapakinggan at kanina pa nagbabasa. "Tulungan mo si Sarah. Ikaw muna magbantay hindi pa 'yan nakakakain ng almusal." Tumango lang si Minchin pero hindi man lang niya tinapunan ng tingin si Tita. 

Okay, today is Wednesday and dahil sa pabago-bago ang panahon, suspended ang klase. Feel ko mag-weather forecast pake nyo ba? Chos. 

Umalis din naman agad si Tita. Busy kasi siya masyado. May sariling boutique kasi si Tita na hina-handle though hindi naman siya laging nandun dahil siya ang nagbabantay dito sa bahay at tindahan kapag nasa school or may pinuntahan kami ni Minchin at may employees naman siya dun. Libangan lang naman talaga ni Tita yun pero kumikita din kasi yun ng malaki kaya naging mas hands-on siya.


"Don't you think that it's boring how people talk? Making smart with their words again, well I'm bored" sabay ko sa kantang pinapakinggan ko. Magkasama kasi kami ni Minchin dito sa dining area.

Naturally, we don't really talk to each other. She's so quiet and so maldita. Honestly, I'm being intimidated by her presence sometimes. So usually, I just listen sa songs sa iPhone ko. Yes. Dapat talagang pinapangalandakan na iPhone ko ang gamit ko-dual sim pre, DUAL SIM.

"Because I'm doing this for the thrill of it, killin' it. Never not chasing a million things I want and I am only as young as the minute is, full of it. Getting pumped up from the little bright things I bought. But I know they'll never own me (yeah)" nadadala na ako sa kanta. Ang ganda kasi talaga-

Itutuloy ko pa sana 'yung pagkanta kaso may humila sa earphones ko mula sa ears ko. Malamang, duh. Sino pa ba? Edi si Minchin! Malamang ulit, duh.

Ayan na naman 'yung expression niya, "Sana hindi ka nalang nag-earphone nag-iingay ka lang din e. Anong sense?" Pagta-taray niya. Nagbabasa kasi siya-hindi ng novel, libro about sa history ata and ayaw niya din kasi ng naiistorbo kapag nagbabasa siya-hindi lang halata pero ang nerd niya. Sana diba lumayo ka sakin kasi ang inappropriate din kapag sa dining area ka nagbabasa. Kumakain ako alangan namang ako mag-adjust?

Pero hindi. Hindi ko siya sinasagot kapag ginaganyan niya ako. Minsan lang kapag hindi na ako nakapagpigil at gusto ko siyang lalong mainis. Binalik ko nalang 'yung earphones ko sa ear ko.

Nanahimik nalang ako at tinuloy ang pagkain habang nakikinig ng songs. In the end, ako 'yung nag-adjust.


Lumabas ako ng dinning area nakita ko si Minchin may inaasikasong customer. Lalaki ito at pinagtitripan siya, binigay niya na ang sukli pero hindi binitawan ang kamay niya, para tuloy silang nagho-holding hands.

"Penge lang ng number, Mimi" I cringe nung marinig ko 'yun. Ew. Pedophile niya masyado e mukha siyang mga nasa 20+ na at mukhang rin siyang fckboy. Hindi sumagot si Minchin at pinipilit lang kunin ang kamay niya pero ayaw talaga bitawan ng lalaki.

Ngumiti si Minchin. Shocks! Ngumiti siya!! Pero sigurado akong hindi maganda ibig sabihin ng ngiti niya. "Hindi mo talaga bibitawan kamay ko?" Tanong niya habang nakangiti parin.

M.U.Where stories live. Discover now