[ 4 ]

174 6 0
                                    




CHAPTER FOUR




Sarah's POV 



"Hi, everyone! Did you miss me? How are you, guys?" Papasok na sana ako sa loob ng kwarto ko pero narinig ko na nagsasalita si Betty. Ang alam ko mag-isa lang siya no'ng iniwan ko siya. 


Ayos lang ba siya? 


Dahan-dahan akong pumasok at nakita ko siyang nakaharap sa cellphone niya. "Sorry, guys. Natagalan sa pag-a-update hehehe." Nagpapa-cute pa siya habang nagsasalita. Pa-cue talaga. 


Lumapit ako sa likod niya at nakita kong nagla-live siya sa Facebook. Aha! Biglang may umilaw na bumbilya sa ulo ko at lumayo ako sa kaniya kaunti, "BETTY! ANO BANG GINAGAWA MO RIYAN? 'DI BA SABI KO MAGHUGAS KA NA NG PINGGAN?" Sigaw ko at muntik na siyang malaglag sa kama. 


May pinindot siya sa cellphone niya at tinignan ako nang masama. Nakikita ko na 'yung imaginary na usok sa ilong niya. Pa-inosente pa akong tumingin sa kaniya at nagpipigil ng tawa. 


HAHAHAHAHAHA 


Hindi man ako makatawa sa harap niya, at least kahit sa isip ko na lang. 


"SARADO MATA, TAKBO NA!" nataranta ako sa pag-sigaw niya kaya napatakbo na lang din ako palabas ng kwarto. "Lagot ka sa'kin kapag nahuli kita!" 


"Joke lang naman, e!" Sigaw ko habang tumatakbo ako pababa. Dumiretso ako sa kusina at dead end. Awit. 


Napapagitnaan kami ng mesa at alam kong kaunting lapit lang sa kaniya ang gawin ko ay katapusan ko na. 


"Betty... hehehe" 


"Huwag mo akong ma-Betty Betty." Ngayon ko lang siya nakita na ganito kagalit. Siguro ay nasa thin ice na ako at tuluyan na itong nag-crack. Note to myself: huwag na pagtitripan si Betty kapag nagla-live sa FB. 


"Sige na, please, 'wag nang mainis," kanta ko at tinignan ko siya. Nag-aantay na dugtungan niya. Try ko lang, baka gumana. 


"Lalo lang akong naiinis." Matigas na sabi niya at sinubukan akong hulihin kaya nagpaikot-ikot kami sa mesa. Okay, sabi ko nga hindi effective. 


"Ikot-ikot lang, ikot-ikot-ikot." Natatawang kanta ko habang naghahabulan kami. 


Mas binilisan niya pa ang pagtakbo, "nagagawa mo pang kumanta, ha." Ramdam ko na gigil na talaga siya kaya akala ko mahuhuli na ako at katapusan ko na. Kaso siya si Betty, at kasama sa package niya ang pagiging lampa. 

M.U.Where stories live. Discover now