Sa araw-araw na nabubuhay ka sa mundong ito minsan ba nagtanong ka kung "Bakit ganito...?" marahil oo ang sagot mo dahil sa mundong ito hindi naman nauubusan ng tanong. Pero ang pinakamagandang tanong sa lahat ay LAHAT BA NG TANONG AY MAY KASAGUTAN? Kung iisipin mo lahat ng tanong may sagot naman pero hindi lahat ng sagot ay madaling makuha o mahanap. Minsan nga mas umaasa ka pa sa EXPECTATION para masagot ang mga tanong mo kasi mas gusto mo ito dahil sa ganitong paraan mga mas positibong pananaw ang nakukuha mo kesa sa REALITY na kung minsan ay ayaw mong nang tignan dahil hindi mo matanggap kung ano man ang nakikita mo rito.