EXPECTATION in LOVE: Lahat naman ng tao gustong makatagpo ng ideal guy/girl natin. Yung tipong makakatagpo mo sila sa di inaasahang pagkakataon tapos magiging magkaibigan kayo tapos magiging kayo syempre o di naman kaya magkakatuluyan kayo ng bestfriend mo na matagal mo na palang gusto yung tipong naghintay ka ng matagal na panahon na lahat ng sakit at pighati ay kinimkim po yun pala kayo rin palang dalawa bandang huli. At ang pinaka sikat sa lahat ay yung magkakagusto din sayo yung crush mo. Alam ko madaming nag-aasam niyan. Ang sarap siguro na di lang one sided love noh? Yung mutual kayo sa isa't isa. Yung hindi ka na lang hanggang tingin.
REALITY in LOVE: Pero ang masaklap yung ideal guy/girl mo may ideal na iba. Hindi naman maiiwasan yun eh. Kasi kahit pagbali-baliktarin mo man ang mundo may posibilidad na may gusto parin yan sa iba kung baga 80% na may gusto siya sa iba at yung 20% ay yung sayo. Kalungkot ba? Pero yan ang reyalidad. Aminin mo nasubukan mo na na yung ideal person mo ay may ideal na iba so hindi bago ito sayo pero yung sakit na nararamdaman mo luma na hindi ba? Yung pangangarap mo na may makakatagpo kang tao na yung tipong pangforever mo na base sa imagination mo, kahit ganong pagiimagine parang mahirap paring paniwalaan. Bakit? Yung ngang pinapangarap mo na nasa harap mo na pero di parin kayo yung nasa pangarap mo pa kaya? Hindi naman masamang mangarap basta alam mo lang yung hanggganan mo. Kasi parang kalang lumundag sa eroplano kahit alam mo na wala kang paracute. Masakit ang lagpak mo nun. Masakit kapag hindi nasususnod yung expectation pagdating sa love kaya don't expect to much. Wag kang magmukmok na hindi ka rin niya gusto o di naman kaya bakit wala pa yung tamang tao para sayo kasi ibibigay rin Niya sayo yung taong nararapat sayo. Malay mo hindi ngayon pero malapit na. Huwag mong paasahin ang sarili mo sa walang kasiguraduhan. Nasasaktan ka na nga dahil dyan, sasaktan mo pa yung sarili mo? Huwag kang sadista sa sarili mo. Saka why don't you love yourself na muna habang wala pa yung "siya" ng buhay mo kesa sinasaktan mo yung sarili mo emotionally. Stand up, smile at itapon lahat sakit. Hindi man ito mawawala kaagad pero mawawala naman din ito unti-unti. Hintay ka lang, oo may mga nagsasabing nakakapagod maghintay pero "MAY PAGHIHINTAY NA SULIT KAHIT MATAGAL NAGBUNGA PARIN ANG PAHIHINTAY MO."