Hmm. Siguro madalas o karamihan sa inyo ay sabihin na nating mahilig mag-assumme pagdating sa studies. Paano? Isang magandang halimbawa ang pag a-ssume na mataaas ang score mo sa quiz/exam/project/recitation/etc. Pero ano nga ba ang ibang side nito.
EXPECTATION: Yung tipong simpleng quiz or exam lang pakapuyat mo sa pagre-review. Yung tipong gusto ng magpahinga ng mga mata mo pero ikaw go parin. Tapos matutulog ka yung gabong-gabi na o di kaya madaling araw na. Ganda no? Tapos kinabukasan yownnnn. Excited kang mag exam or quiz kasi confident ka na nagreview ka. Pagkabigay ng mga tanong yesssss! Kakapanlumo parang may mali, "parang medyo malayo siya sa nireview ko?"O diba ang saklap. Pero syemprre gora ka pa rin. Sagot dito. Sagot doon. Ayan na ihe-check na. Exchange papers daw sa bi ni ma'am. Nang matapos ng mag-check yes naman ibinalik sayo yung papel mo. Sabihin na nating up to 20 you got 15. Aba'y hindi na masama. Then nag-announce na ng score. Tinawag ang pangalan mo at sinabi ang score. Yes 15 ka. Pinagpuyatan mo yan. Siguro naman sayo ang trono no? Pero hindi eh! May naka-19. Boom laos ka. Sakit no? Ang pinakamasaklap pa dyan is lagi pa yang nangyayari.
REALITY: Eto na ang pinakamasayang part sa lahat. Ang masampal ng reyalidad. Sa pag-ibig nga masakit mag-assume tapos di pa mareach sa pag-aaral pa kaya? Masakit talagang magassume lalo na kung walang assurance. So simple pero mahirap i-apply ang lesson dito which is yung famous line na"Wag kang mag-assume." Bago mo muna to gawin i-consider mo muna yung mga nasa paligid mo at higit sa lahat ay yung S-A-R-I-L-I mo. Isipin mo kung kaya mobang ma-reach yung expectation mo at higit sa lahat iwasan mag-assume. Harhar.