NOELLE POV
This is unexpected,I can't move,I can't say anything but his name. My heart breaks when I saw him.
"Clark.." I said it again!
"H-hey." He said.
"A-anong g-ginagawa mo dito?" Tanong ko ng mahina pero narinig niya.
"Well ako yung nagpapakuha ng professional architect na gagawa ng designs ng bahay ko." Sagot niya. Siya pala. Ako ba kailagang niya? Professional daw eh,hala ang awkward."A-ah,upo ka." Offer ko sakaniya,umupo siya at ako rin.
"Ang alam ko may kasama ka?" Tanong ko sakaniya habang inaayos ko yung gamit ko,kahit maayos na,ayoko lang tumingin sakaniya."Ahh oo nag CR lang." Sagot niya,magsasalita na sana ako pero bumukas yung pinto kaya napatingin ako.
"Henry?" Tanong ko,tumingin siya. Si Henry nga!
"Noelle! Uy!" Sabi niya nanapaka saya. Tumayo ako at nag beso sakaniya,umupo siya pati na rin ako."Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Henry.
"Ako may ari neto." Sagot ko. Nanlaki mata niya at ngumiti ng malaki.
"Wow! Architec kana?! Galing!" Sabi niya,ngumiti ako sa sinabi niya.
"Salamat." Pagpapasalamat ko. Tumingin ako kay Clark na ngayon nakatingin sa'kin."So,lets start?" Tanong ko. Nagnod lang sila pareho.
"So Clark,ano bang gusto mong designs para sa bahay mo?" Tanong ko.
"Well.... Summer type." Nagulat ako sa sagot niya. Summer type?? Gusto kong design to nung... You know... Kami pa."Noelle?" May tumatawag sakin kaya bumalik ako sasarili ko. Tumingin ako bigla kay Clark.
"Okay ka lang?" Tanong niya,nagnod ako.
"Sorry. Uhm... Summer type ang gusto mo? Bakit?" Tanong ko. Tumingi siya sa mata ko.
"Kasi para sa isang especial na babae yung bahay na yun." Nagulat ako sa sinabi niya,nalungkot ako,hindi ko alam kung bakit,parang nasaktan nanaman ako. Parang maya maya iiyak nanaman ako. Shit! Move on!"I'm sure ang swerte nung babae." Sabi ko at ngumiti.
"Sana isipin niyang swerte siya." Sagot niya. Tumingin ako sakaniya,nakatingin siya sa'kin. Iniwas ko ang tingin ko sakaniya."Okay,so... Saan ba yung bahay?" Tanong ko habang tinatype yung Type nung designs.
"London." Napatingin ako sakaniya. London.. London.. London..."Alam mo,pinapangarap kong titira ako sa London,kasama ka." Sabi ko kay Clark.
"Aba sige,ako magpapagawa ng bahay natin sa London,dun tayo gagawa ng pamilya natin. Pangako,pangako hindi kita iiwan... Mahal na mahal kita Noelle."Ang sakit,ang sakit maalala ang mga alalaang gusto ko nalang itapon,pero hindi ko kaya paulit ulit ko siyang naalala. Mga pangako niyang hindi niya tinupad,mga pangako niyang sana balang araw magkakatotoo. Pero wala... Walang wala. Yung lungkot ko na punta sa galit.
Bawal,bawal akong umiyak. Magsasalita pa sana si Clark pero inunahan ko na siya.
"Clark,bakit dito pa? Bakit hindi nalang sa London kung nandon naman yung bahay mo? Bakit dito pa?" Tanong ko na medyo pasigaw na kinagulat ng lahat.
"Bakit? Ano bang problema?" Tanong niya. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis pero ilalabas ko nalang. Napatayo ako.
YOU ARE READING
So Close (On going)
RomanceBroken. That's when I saw him. Happiness. That's when I'm free from pain. Awkwardness. That' when we do sweet things. Sadness. That's when I remember the past. Joy. That's when we laugh and we enjoy things. Love? I don't think we had this feeling. T...