Chapter 5

3 0 0
                                    

NOELLE POV

*SATURDAY*

Ngayon ay naka higa ako sa sofa habang nanonood ng TV. Sabado ngayon kaya walang trabaho ngayon. Boring. Habang nanonood at kumain ng chips,biglang may tunawag sa'kin. Tinignan ko kung sino,si Clarissa lang pala.

"Hello?"
"Noelle! May gagawin kaba ngayon??"
"Wala naman,nasa bahay lang ako,boring kaya,"
"Yes! Tamang tama,labas tayo nila Lyne."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"O sige ba! Saan?"
"Mhm... Mall? Shopping tayo?"
"Waah! Yes! Sige! What time?"
"Mhm.. Before lunch nalang para dun na tayo mag lalunch."
"Okay! Sige."
"O sige,bye!"
"Bye."

Inend ko na.

Tinignan ko ang orasan at 10:30 na. Makaligo na nga. Tumayo ako at pinatay yung TV,tinapon ko na rin yung chips ko.

Dumeretso ako sa kwarto ko,pumunta muna akong Cabinet para tumingin ng damit. Nang makakita na'ko ng maganda,ay kinuha ko ito. Inilapag ko ito sa kama. At tuluyan na'kong pumasok sa CR.

*******

"Oo,paalis na'ko.."
"Ahh sige,kitaan ka nalang namin dito sa Mega."
"Sige sige. Bye."
"Bye."

Inend ko na ang paguusap ko kay Clarissa. Ngayon ay papasok na'ko sa kotse ko. Nang makapasok na ko ay agad ko tong binuksan pati na rin yung gate. Pagkabukas nung gate ay agad kong pinaandar yung kotse ko.

Buti walang traffic,mabilis akong nakapunta sa Mega Mall. Ngayon ay naghahanap nalang ako ng bakanteng pwede maparkan. Pumunta na'ko sa 2 flr,3rd floor,wala parin. Pero sa 4th floor meron,open panaman toh tapos sa dulong parking pa.

Nung nakapagpark na'ko ay agad akong lumabas at nilock ito.

Nakapasok na'ko sa mall,nagpasiya akong tawagin si Clarissa.

Calling Clarissa...

"Hello?"
"Hello Clarissa,nasan kayo? Nandito na'ko sa mall."
"Ahh nandito kami sa third floor,nasa may cinema kami."
"Ahh sige,punta na'ko jan."
"Sige,bye."
"Bye."

So Close (On going)Where stories live. Discover now