Chapter 6

0 0 0
                                    

NOELLE POV

Nagising ako sa sikat ng araw. Tinignan ko yung orasan. 8:30 na pala,errr gusto ko pang natulog pero hindi ako makatulog. Tumayo ako at nagtungo sa CR. Nagtoothbrush ako at inayos yung mahaba kong buhok.

Nagunat ako bago ako bumababa sa baba. Habang pababa ako,nagulat ako kasi tahimik at walang masyadong naglilinis ng bahay,nasanay kasi ako kapag maaga naglilinis na yung ibang. Baka tulog pa si nanay Melda.

Tumungo ako sa dinning area at nakita ko na may maraming pagkain. Gising ba si nanay Melda? Tumaas ako sa kwarto niya,binuksan ko yung pinto niya at nagulat ako kasi wala siya. Hala nasaan siya? Umalis ba siya? Ginawa niya ba yung utos ko na umuwi muna siya sa mga kamaganak niya? Hindi ako sanay magisa... Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha yung phone ko. Tatawagan ko si nanay Melda.

Shocks! Hindi niya sinasagot. Bumababa ulit ako. Pano yan,walang tao.

"Aling Tin?! Manong Gino?! Aling Cyntia?!" Tawag ko sa mga kasambahay. Wala manlang sumasagot. Natatakot na'ko,wala akong kasama. Tama si nanay Melda,ayokong magisa ako... Ayoko nanaiiwan ako...

Ang babaw ng luha ko! Kaya napaiyak ako. Umupo ako sa Sofa at dun na umiyak. Shete naman talaga oh,ang babaw ng luha ko,naiiyak agad ako? Napaka OA mo Noelle! Sinubukan kong tumigil sa pagiyak. Huminga ako ng malalim. Tumungo ako sa dinning area,uupo na sana ako ng biglang may nag doorbell. Umalis ako ulit sa lugar na yun at tumungo sa pinto.

Binuksan ko ito at pag bukas ko....

"SUPRISE ANAK!!" Dumungaw sila mommy at daddy. Ngumiti ako ng malaki at umiyak. They're home!!
"Dad! Mom!!" Sabi ko at niyakap sila.
"I missed you sooo much!!" Sabi ko at umiyak na talaga. Namiss ko sila!
"Eh kami hindi?" Napatigin ako sa nagsalita. Nakita ko si Joshua at si kuya. Kumalas ako sa pagkakayakap kay daddy at mommy at tumakbo papunta kayla kuya at niyakap sila.

"Kayo! Namiss ko kayo syempre!!" Sobrang saya ko na nandito na sila. Kinalas ko ang pagkakayakap. Sa likod nakita ko si nanay Melda.

"Nay! Akala ko iniwan niyo ko!" Sabi ko at pumunta sakaniya. Hinawakan niya pisngi ko.
"Hindi kita iiwan." Sabi niya. Ngumiti ako.
"Halina! Pasok na tayo sa bahay!!" Sabi ko nanapaka saya.

Pumasok na kami sa loob.

"Ahhhh! I miss my home!" Sugaw ni kuya. Ang pangalang pala ni kuya ay Edward.
"It's not just your home kuya,it's my home too!" Sabi ni Joshua abg bunsong kapatid namin.
"I miss this home too,namiss ka namin Noelle." Sabi ni Mommy. Ngumiti ako.
"Mas lalo ako,ilang years kayong nawala." Sabi ko. Ngumiti nalang ako.
"Let's eat?" Tanong ni daddy. Nagsi nod sila.

Pumunta na kami sa dinning table ay umupo na kami. Pinaggitnaan ako nila Joshua at kuya. Nagsikuyaan sila ng pagkain habang ako ay hinintay lang sila kumuha ng pagkain. Ngumiti ako habang pinagmamasdan silang kumuha ng pagkain at nakangiti. Tumulo ang luha ko,masaya lang ako dahil nakasama ko ulit sila...

"Ate? Okay ka lang?" Tanong sa'kin ni Joshua,pinunasan ko luha ko at ngumiti.
"OA ko lang,sorry. Okay lang ako. Masaya lang ako dahil nakasama ko kayo." Sabi ko. Ngumiti ng pait si mommy.
"We're very sorry that we left you alone Anak." Pagpapatawad ni mommy.
"Mom,it's alright. I understand why you left me." Sabi ko at ngumiti ng pait.
"Lets eat na po." Sabi ko. Kumuha na agad ako ng pagkain ko at kumain na.

Tumingin nanaman ako sakanila at pinagmamasdan silang kumain,I'm so happy that they're home,my family is my own home.

Ngayon ay tinutulungan ko si Mommy mag ayos ng kanyang mga damit na kailangan ng labhan. Napaisip ako sa pagaalis ko next week,sabihin ko na ba sakanila na aalis ako next week? Parang ang unfair para sa'kin na aalis ako next week eh kakauwi palang nila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

So Close (On going)Where stories live. Discover now