MONIQUE'S POV
Pina-transferre ako ni Daddy at yung Stepmother ko dito sa St.Marygrace University. Napunta ako sa Section Diamond. Umakyat na ako hanggang makapunta ako sa room ng Section diamond.Pumasok na ako. Nagsitinginan sila sa akin lahat.Halatang nagulat sila sa pagdating ko. Doon ay Pinakilala na ako ng aking guro si Ms. Janelle del rosa.
"Class,meron kayong bagong kaklase siya si Ms. Esperanza. Ms. Esperanza,introduce yourself" sabi ni Ms. Janelle.
"My name is Monique Esperanza. Galing ako sa school na St. Matthew School."
"O sige maupo kana, Tumabi ka kay Ms. Villastrella. " Pumunta na ko sa Upuan ko. Nang biglang may paparating isang lalaki yung secretary daw namin iyon.
"Mam, pinapatawag daw ho kayo ng principal", sabi ng secretary namin na galing sa principal office,tinanong ko kung ano ang pangalan niya,sabi ng isa kong kaklase si Jeremy Agustin daw. "O,sige class magbasa muna kayo ng libro habang wala ako ha? huwag kayo mag iingay at huwag rin kayo lalabas". "opo" ,sabi naming lahat.
Ang tahimik pala ng Section diamond. Samantala nung nasa dating school ako ay sobrang ingay, nakakabingi , masakit sa ulo, mas gusto ko pa dito tahimik, at maginhawa sa pakiramdam
"Uy, Ms. Esperanza", "hAh!?!?! nagulat naman ako sayo bigla ka kasing sumasabat ehh" pabulong kong sinabi sa katabi ko upang hindi makagawa ng ingay ang tahimik kasi. Siya raw si Rebecca Villastrella. " WOW!! ha, ang tahimik ng klase nyo, kahit walang guro." sabi ko. "Ahh, ganito talaga sa section Diamond,kasi kami,tayo lang ang tinutularan ng buong school, Pero kapag nawala o nagbakasyon si mam ay mag iingay na dito parang nasa palengke,Kasi kapag nandito si mam para silang santo.Pero alam mo ba kung ano ang secret ng diamond section?. "HaH?!?! nagbibiro ka ba o nananakot ka lang?" sabi ko habang kinakabahan, teka bakit nga ba ako kinakabahan? Sikreto lang naman. "totoo,alam mo nga yung secret ng diamond section?" seryoso niyang sabi. "malamang hindi syempre transferre palang ako diba?, paano ko malalaman". "Kung hindi mo alam punta tayo sa labas. "diba, sabi ni mam bawal raw lumabas?" "huwag mo nang pansinin yun , magpaalam nalang tayo sa president natin,kay Mr. Paul Villanueva.
"Mr. Villanueva puwede po ba kaming lumabas?" Tumingin ang buong klase sa aming dalawa. "Ano ba rebecca?, huwag nalang tayo lumabas,mamayang uwian nalang. sabi ko habang nahihiya. bakit kaya sila nakatingin sa amin? anong problema nila? lalabas lang naman ehh. "o sige" nahihiya niyang sinabi. " Mr. Villanueva huwag nalang po." sabi ni rebecca sa president namin. Tumango nalang yung president namin. Ilang sandali bumalik na yung adviser namin. Sinabi niya na uwian na. Ang bilis naman. Bakit kaya? "Uy monique sasabihin ko na sayo yung secret ng diamond section" sabi ni rebecca. Pumunta kami sa lugar na kaming dalawa lang. "Ang sikreto ng diamond section ay --" hindi na natuloy yung sinabi niya dahil nag ring yung phone niya. Sabi niya, tumawag raw ang daddy niya kasi raw mamamasyal sila ng kapatid niya at nanay niya. Tuwang-tuwa siya dahil ngayon lang siya nakapamasyal simula nung nagkasakit yung mommy niya. " O sige mauna na ako ha? Next time nalang ,friends na tayo ha?" " O sige, Pangako friends na tayo, ba-bye" sabi ko habang nagpapaalam.
BINABASA MO ANG
Secret of Section Diamond
Teen FictionGusto kong maka amoy ng dugo kanino kayang dugo iyon? Handa ka na bang mamatay? Maswerte ka't hindi ka napunta sa section diamond kung isa ka roon kasama ka nang MAMAMATAY . I love the word DEATH .....................