Hermano's POV
Umuwi na ako pagkatapos sabihin ni Monique iyon. Naging bakla-baklaan lang ako sa harap ni Monique kanina pero lalaki talaga ako, hindi ako bakla ano? iwwwww. Naalala ko yung sinabi ni monique kanina " Kung gusto mong maging bading, maging bading ka, Huwag ka magpapakamartyr sa isang tao lang" Totoo ang sinabi niya dapat kung gusto mo gawin mo. Sumalubong sa gate ang nanay kong walang kwenta. Hindi ko na lang siya pinansin umakyat na lang ako sa kwarto ko. Umupo ako at inisip ang nakitang address sa ID ni monique kanina. Puntahan ko kaya yun.Malapit lang naman sa amin yung street na yun ehh, at tsaka kokopya ako ng takda sa kanya, hindi ko kasi nakopya ehh. Binilisan ko ang pagbihis ko at tsaka umalis sa bahay. Pinindot ko ang Door bell at tinanong ako ng lalaki kung sino ako, sabi ko kaibigan ako ni Monique.
Agad naman ako pinapasok, ang bait naman nun. Pinaupo muna ako sa sofa, ang lambot. Habang tinatawag ng lalaki si Monique ay may naamoy akong masangsang, mabaho, may namatay ba dito? Nakita ko si Monique noong bumababa siya, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakabihis. Nung nakita niya ako, Halata sa mukha niya ang pagkagulat. Tinanong niya ako. "P-paano mo nalaman ang bahay namin? , B-bakit ka nandito? , A-ano ang kailangan mo sa akin?". sabi niya habang nauutal-utal. Sinagot ko naman anng tanong niya. "Teka lang isa-isa lang ang tanong. Ang una kaya ko nalaman ang tirahan mo dahil habang kinakausap kita kanina nakita ko sa Id mo ang address ng bahay niya. Tsaka kung bakit ako nandito ay pakopya sana ako ng takda na nakasulat kanina, at ang pangatlo ay ganun din ang sagot ko katulad ng sagot ko sa pangalawang tanong". sabi ko habang ngumingiti ng konti.
Kinuha niya ang notebook ng takda niya tsaka pinakopya ako, ang bait pala ni Monique. "Oh, tapos ka na?, pwede ka nang umuwi.." tugon niya. "Sandali lang naman, pwede bang mag-stay muna ako ngayon hanggang umaga." sabat ko naman. "H-hindi p-pwede baka h-hinahanap ka na ng m-magulang mo". sabi niya sa akin. ano bang problema sa akin? ayaw niya ba ako? " Ah, yung tatay ko nag-ibang pamilya na at yung nanay ko may kinakasama,kaya dito muna ako." sabi ko habang pinipilit ko siyang payagan ako. "O, sige ne, pwede kang matulog dito,basta wag kang makulit ha?, sabi ng tatay ni monique. "Opo" sagot kong pagalang. "Monique,tabi mo sya sa higaan mo" sabi ng tatay niya na ikinatuwa ko. Sa wakas, makakatabi ko rin sya at makakausap. "Pa, -----" hindi na natuloy yung sinabi ni Monique, sa halip ay umakyat na kaming dalawa sa kwarto niya. Humiga na kaming dalawa. Nagusap muna kami ni monique bago natulog. "Monique pwede ba tayo maging friends man lang?" tanong ko sa kanya. "Ok lang naman , pero bading ka ba talaga? tanong naman niya sa akin. "hahahaha, hindi ako bading ,binibiro lang kita hahaha" tawa ako ng tawa, naniwala siya na bading ako?, ang bilis naman niya mapaniwala." Ikaw talaga, palabiro ko rin pala. sabay tawa niyang sinabi. "oo, palabiro rin ako. pero, Friends?" inabot ko ang kamay ko sa kanya."Friends", hinawakan niya ang kamay ko. Ang lambot pala ng kamay niya. Pagkatapos noon ay nagtalikuran muna kaming dalawa bago matulog. Ayaw naming kasi magkaharap ang mukha namin habang natutulog, pero ginusto ko to eh, paninindigan ko ito. (Makaraan ng ilang oras) Sabay kaming nagising dalawa,pagkakita namin sa Isa't isa ay magkaharap kami natulog,at siya'y nakayakap sa akin, at ako naman ay nakayakap sa kanya. "Ahhhhhhhhhhh!!!!!!!" tili ni monique, tinakpan ko ang bibig niya kasi maaga pa. "Huwag ka ngang maingay,maaga pa." bulong ko sa kanya.
Sabay rin kaming dalawa bumaba habang magkahawak ang kamay namin. " O, mga anak, almusal na kayo may pasok." sabi ng tatay ni monique, ang bait talaga nito ehh no.. Pagkatapos ko kumain ng almusal ay nagpasalamat muna ako bago ako pumunta sa bahay. Pagdating ko sa bahay ay naligo muna ako,nagbihis ako ng damit at inayos ang bag ko. Nakita ko na naman nanay ko nakahiga kasama ang lalaki nya. Tsaka noon ay umalis na ako papunta ng school.
_______________________________________________________________________________
A/N : yung 2nd friend po si HERMANO PO IYON. 2ND friend ni monique. Kasi di ba ang naging unang friend ni monique diba si rebecca at yung 2nd ay si hermano. ANG KAPAL NG MUKHA NI HERMANO NO NAKITULOG SA KABILANG BAHAY.... HAHAHAAHA CHOS...
YUN LANG PO................................. :) :) :) THANK YOU SA PAGBABASA......................................
BINABASA MO ANG
Secret of Section Diamond
Teen FictionGusto kong maka amoy ng dugo kanino kayang dugo iyon? Handa ka na bang mamatay? Maswerte ka't hindi ka napunta sa section diamond kung isa ka roon kasama ka nang MAMAMATAY . I love the word DEATH .....................