Chapter 1- Real Life

23 2 5
                                    

Pumasok ako sa kwarto ko at nakita ko siya. It's already five years since we've met. With his fiery eyes, the tip of his nose, and his soft lips. Ugh! He's attracting me all the time and I can't resist it. Sakanya lang tumatakbo ang isip ko. Siya ang inspirasyon ko at ang dahilan kung ba't ako nagsisikap. Maybe our world is just like heaven and earth but I really don't care. It's not a great barrier to end this commitment.


Pfft. Napa-english tuloy ako

Alam mo naman siguro na ang gwapo mo? Hay ang swerte ko nga at ako ang pinakasalan mo. Tsk. For sure nagbibigti na lahat ng mga babaeng nagkakagusto sayo. Ano ba? Ba't ganyan ka makatingin sa akin? Tumigil ka na, jebalyo! Baka matunaw pa ako eh!

"Aray!" Aba't sino ba naman tong naninira ng moment ko?!. Napalingon na lang ako ng may bumato ng tsinelas sa likod ko. Ghad! My precious back! Kahit nga lamok di ko hinahayaang makadapo sa likod ko, tapos isang flying tsinelas lang pala ang makaka first touch?Kitang kinakausap ko pa yung asawa ko eh.

"Hoy Xielle! Ano ba? Yung mga kalderong naiwan sa lababo ako pa ba ang maglilinis?" Napasimangot na lang ako nang makita ko kung sino ang nakatayo sa pintuan ng kwarto ko.Eto na naman ang sadista kong mama. Na walang ginawa kundi sirain lahat ng trip ko.

"Ayan ka na naman sa Kpop Kpop na yan! Ang baliw mo na talagang bata ka! Pag ako napuno susunugin ko yan lahat!" Kita niyo na? Ang bitter pagdating sa mga gamit ko pero di ko naman pinapakialaman yung mga trip niya. Tsk. Unfair!

"Ma ok maghuhugas na ako"  Agad naman akong bumaba para nga maghugas. Tsk. Grabe talaga kung makasermon dinaig pa si Chanyeol kung maka rap. Sana naging rapper na lang sya, siguro magiging proud pa ako. Pero teacher si mama at doon daw niya nakilala si papa. Paulit ulit pa nga nya yung kinukwento eh, nakakasawa na nga. Dagdagan mo pa ng napakacommon na nagkabanggaan at nahulog ang libro. Ewan pero tawang tawa ako pag naaalala ko yun, pero at the same time nalulungkot din ako dahil wala na si papa. Naaksidente daw kasi sya noong 2 years old pa lang ako. Masakit pero no choice ako kundi tanggapin.


"My love is on fire! Now burn baby burn buljangnan" Ghad! Excited na ako bukas! First time ko kasi yun. Kinakabahan ako pero at the same time naeexcite. Yun kasi yung matagal ko nang pangarap and finally!

" Xielle! Bago ka matulog bunutin mo lahat ng nakasaksak sa outlet! Tapos yung bintana at pinto i double check mo!" Ano ba yan! Halos rinig na ng mga kapitbahay yung boses ni mama. And unfortunately, di na mapipigilan. Psh. Pinagpatuloy ko na lang yung paghuhugas habang kumakanta.


Nang matapos ko na ngang gawin lahat ng utos niya sa akin ay pumunta na ako sa kwarto ko. Pero bago ako matutulog eh gagawin ko muna ang daily routine naming mga spazzer. Habang nascroll ako sa messenger eh may napansin ako.


' Xyrus Jackson Oppr?' Alam niyo yung feeling na may mag memessage sa yo na fanboy? Well wala naman akong tiwala sa mga ganyan, pero malay niyo naman diba?ehehe. Time to....you know.


Pero shit! Irereport ko tong kupal na to! Sabihan ba naman ako ng 'What's up bitch?' Hindi nagtiis ng nine months ang mama ko para pagsabihan ako ng ganito.

'The hell with you! Manwhore'

'Oh I never thought na ganito ka kabitch'

'Then I'm greater than what you think! So ilan naba ang naka night stand mo?' Well I didn't really mean it, pero nainis lang talaga ako sa sinabi niya. Ikaw kaya ang pagsabihan ng bitch? Tignan lang natin kung anong magiging reaction mo.

11 minutes na seen? Uh oh. I think I did a wrong move. Baka napikon na yun. Pero deserve din naman sya doon.

'So sa tingin mo ba lalake ako?' Tsk. Feeling ko lalake naman to eh, pero para din namang babae.

'Ano bang pake mo? So do you take it seriously?'

'Nah. I  just know that if you're a roleplayer no one will trust you' Ano nanaman ba ang drama nito? Kanina lang kung maka bitch, sarap hampasin. Tapos ngayon may pa trust thingy pang nalalaman. Psh.

'Shoo! Matutulog na ako manwhore!' At di na ako naghintay kung ano pa ang irereply niya. Baka ako pa ang mapikon eh. Maburn ko pa yung account niya. And as what I've said, excited ako para bukas. Bibili kasi ako ng ticket!


***

"Xielle bumangon ka na! Magwalis ka naman sa labas ng bahay!" Napasabunot na lang ako ng buhok dahil kay mama. Bukod sa mala araw araw na unpretty rapstar show sa bahay, eh sya din ang alarm clock ko tuwing umaga. Saan ka pa? Oppa! Help me! Di na ata mababago ang sistema ng buhay ko.

Kaya no choice na nga ako, inayos ko ang higaan ko bago ako pumasok sa banyo. Naghilamos muna ako at nagtoothbrush bago lumabas. Malay ko diba, baka hinihintay na pala ako ni Bambam jan sa baba nang di ko namamalayan. Pagkatapos ko ng lahat ng dapat kong gawin eh naligo na ako at nagbihis. Pinatuyo ko muna ang buhok ko at kumuha ako ng damit sa closet. Ok lang kaya to?




12,800, 900, 13,400, 13,600! Yeah nakaipon ako ng 13,600 pesos! Bow

Nakakatawa mang isipin pero inipon ko talaga yan!

Well pupunta nga pala ako sa mall ngayon. And first day ng ticket selling para sa EXOrdium.

Fangirls goal nga talaga to! Pero di naman bihira tong pag-iipon na ginawa ko no! Basta simula nung elementary nag-iipon na ako. At yung iba minsan bigay na mama at kung ano ano pa.

"Ma, alis na po ako" Kunwari nagpapakabait ako para pumayag si mama. Baka naman biglang magalit siya no? Edi napahiya pa yung kagandahan ko! Well hindi naman talaga ako papayag na hindi ako makapunta doon. Once in a life time lang tapos mamimiss ko pa?

"Saan ka pupunta?"


" Ma naman eh. Kahapon pa ako paulit ulit na nagpapaalam sayo tapos ngayon magtatanong ka nanaman? Pupunta nga ako sa ano. Bibili ako ng ticket"
Tiningnan naman niya ako nang nakakunot ang noo. Hay. May pagka slow gets ata to eh.

"Ticket? Para saan? Oh my god Xielle! Wag mong sabihin na ticket ng bus yan at magtatanan ka sa probinsya? Anak wag muna! Leche! Ang bata mo pa!" Kita niyo na? Makakalimutin din to eh. Psh



"Tss. Ma, bibili ako ng ticket para sa concert. Yung exordium diba?"


"Ah yun?- Ano?! Pupunta ka doon sa concert ng mga hilaw na koreanong yun? Yung ano bang grupo yun? Got7 ba yun?" Wow hah! At grabe pa kung maka discriminate sa mga Korean? Akala mo naman kung sinong maganda.



"Ma, exordium na nga eh. Ginawa mo pang Got7! Oh sige alis na ako"

"Bakit pumayag pa ako?" Napasigh naman ako sa sinabi niya. Mama ko talagang to sadyang mahilig mang big deal ng maliit na bagay eh.


"Eh doon din naman yun pupunta eh!"


"Sure ka?"


"Oo?"


"Oh edi lumayas ka!"





By the way, I'm Xielle Andrene Muñoz. 16 years old at grade 10 student sa isang walang kwentang paaralan na ang ginagawa lang ay pabayad ng pabayad. At higit sa lahat...isa akong fangirl.


Exo-l at Sone ang main fandom ko. Pero multifandom din naman kaso loyal talaga ako doon sa dalawa. I love Red velvet, nct, twice, got7, blackpink, gfriend, AOA, Shinee, SF9, Oh my girl, Apink, 4minute, f(x), sistar,missA, blockB, BtoB,BTS and so on...basta marami.




Kung tinatanong niyo kung anong ugali ko. Well, di ba obvious? Tss.






My FanboyWhere stories live. Discover now