5. Hindi inaasahan

4.3K 204 38
                                    

Pero... hindi siya sumagot. Pakiramdam ko kaawa-awa ako dahil sa mga mata ni Cielo na nakaukol sa akin. I couldn't unread her eyes, they were full of concern and... well, there was disappointment in her eyes. That pained me more. Bigla akong ngumiti.

"Daxx..." Her voice was full of restrain. "Daxx... hindi ako alam..."

"Hindi ko naman sinabi sa'yo para malaman mo. I mean, well..." I laughed. "I told you because I want the cat out of the bag. I hope this doesn't make things awkward. I still want to be your best friend." Tinapik ko ang balikat niya. "I'll leave now. Enjoy your dessert."

Tinalikuran ko siya. I was waiting for her to call me but she didn't. Ang hirap naman pala ng ganito. Kahit cliché na ang feelings ko, kahit maraming beses ko nang inisip na sumuko, umaasa pa rin ako.

Iyon ang pinakamahirap sa lahat – ang umasa. Lalo na kung hindi mo alam kung may aasahan ka pa.

Bumalik ako sa suite namin ni Apple. Mula sa bag ko ay kinuha ko iyong Jack Daniels. Naupo ako sa gilid ng kama at saka nagsimulang lagukin ang laman niyon. All I could think about was how much I love her. All I could think about was how much I am willing to sacrifice for her – pati nga iyong friendship naming iniingatan ko sana, isinugal ko para lang malaman kung pwede ba kaming dalawa, para kung sakali, kahit limang porsyento lang sana, baka pwede, baka magawan namin ng paraan pero mukhang kahit isang porsyento, wala, walang-wala – as in itlog, zero, bilog. Walang-wala.

"Daxx..." Boses ni Apple iyon. Napatingala ako. Kasama niyang pumasok sa suite si Paolo. Punong-puno nang pag-aalala ang mukha ni Apple. Lumuhod siya sa harapan ko at inagawa ang alak. I thought that she was gonna take it away from me pero tumabi siya sa akin at lumagok rin. Paolo shook his head.

"Akala ko ba dadamayan mo iyang kaibigan mo, Miss Serrano?" Paolo asked. Kinuba niya rink ay Apple ang alak. Itinabi niya iyon sa bedside table.

"What happened?" Paolo asked.

"I told her that I'm an alien. She looked at me like I was crazy." I joked about my pain. Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko maintindihan. Ano bang mali sa akin?" Tiningnan ko silang dalawa. "Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako?"

"Hindi---" Sagot ni Apple. Mukhang may sasabihin pa siya pero pinutol ko siya.

"THEN WHY?"

Sinampal ako ni Apple.

"Hindi ka si Liza, h'wag kang ulol!"

"Calm down." Sabi ni Paolo. "I think she really likes William."

"Kilala ko si Cielo, gusto nga niya iyon. Wala naman akong magagawa. Hindi ko pwedeng sapakin si William. Hindi ako ganoon. Kung saan siya masaya, masaya na rin ako kahit sa totoo lang, unti-unti akong nauupos na parang kandila." Sabay-sabay kaming napabuntong-hininga.

Tonight was supposed to be a happy night pero mukhang nabad-trip din ang mga taong ito dahil sa ginawa ko.

"Siya... matutulog na ako." Sabi ni Paolo. "Good luck bukas, Daxx."

"Oo. Salamat, Sir." Tumango ako. Nang kaming dalawa na lang ni Apple ay binatukan niya ako.

"Alam mo iyong tanga moves?" She asked me.

"Yup! I just did the most tanga move of all." Kinindatan ko siya sabay kuha sa bote ng Jack Daniels.

Life is indeed about trial and error.

------------

I couldn't sleep that night. Hindi ko makalimutan iyong sinabi ni Daxiel sa akin. Mahal daw niya ako. Ang alam ko, ayaw na ayaw niya sa mga cliché na bagay kaya kahit kailan hindi ko naisip na mamahalin niya ako dahil isa sa mga cliché na bagay ang pagiging in love sa best friend.

Torn BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon