"Palagi kang nandito ha! Nanliligaw ka na ba?!"
Napangisi lang ako nang batiin ako ni Papang habang kumakain kami sa garden ng bahay nila Cielo. Linggo niyon at family day tapos masaya lang kami. Kanina ay sama-sama kaming nagsimba. Medyo kinilig pa nga ako kasi noong nag-peace be with you, medyo nagkatamaan kami ng lips ni Cielo. Putsa! Para akong teenager. Pinagloloko na nga ako ni Apple dahil para daw akong tigang na tigang dahil kaunting kibot, kilig na kilig ako which is very unlikely kasi nga, I'm a grown man.
"Medyo, Pang, wala eh, nagpapahintay pa. Akala mo naman maganda." Biro ko pa. Binatukan ako ni Papang.
"Maganda ang anak ko, gago ka! Manang-mana iyan sa mamang niya. Alam mo ba? Noong panahon namin, apat na taon akong nanligaw doon, tigang na tigang na nga ako kaya noong sinagot ako, kinabukasan, pinakasalan ko sa civil tapos inuwi ko sa bahay, ayon nine months later ipinanganak niyang si Cielo."
Sinabayan ko nang tawa ang sinasabi ni Papang sa akin. Sinisilip ko pa nga si Cielo sa may kusina. Nagluluto kasi sila ni Tita Liza.
"Saan mo ba balak dalhin iyang dalaga ko? Buti nga nanligaw ka. Noong una kasi ay hindi ako gaanong sigurado kay William. Para kasing napakabait niya."
Hindi ako nakasagot kaagad. Hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan iyong nangyari sa mall - iyong babae - that later on, Paolo and I found out her name. Her name is Linda at nakasama siya ni William sa exchange professorship sa Oman noon. And she's pregnant, dahil sa pagbubuntis niya ay nawalan siya ng trabaho at itinakwil siya ng kanyang mga magulang.
Paolo and I helped her. Pero hindi ako nagtatanong at mukhang wala rin naman siyang balak sabihin sa amin ni Paolo ang totoong pangyayari. Gusto ko lang siyang tulungan, tulad nang ginawa ko noon kay Apple. I hate to think that Will was letting her suffer because of some reasons that are connected to Cielo. I hate to think that he's a bad guy because he took care of Cielo for years.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag ganoon.
"Pang, punta lang ako doon." Paalam ko. Nagtungo ako sa kusina at nilapitan si Cielo.
"Doon ka lang, Daxx." Natawa siya nang makita ako.
"Bakit ba? Nami-miss kita kaya." Sabi ko sa kanya. Tumawa siya at kinurot ako sa tagiliran. Tumayo naman ako sa likuran niya at sinakop ang baywang niya. She was cooking while I was holding her waist. Nagse-sway pa kami na parang sumasayaw. Itinapat ko sa tainga niya ang bibig ko at saka kumanta.
"I didn't know that I was starving 'till I tasted you...
Don't need no butterflies when you give me the whole damn zoo..."
"Daxx, nakikiliti ako!" She was hissing pero tawa naman siya nang tawa. Itinuloy ko ang ginagawa ko. Gumapang ang kamay ko papunta sa binti niya pataas sa baywang.
"Daxx..."
"Hmmm... Nag-iinit ka ba?" I even ask her.
"Daxx... ano ka ba?" Kulang na kulang sa conviction ang tono nang boses niya.
"Ate!" Napabitaw ako nang magsalita si Carol sa likod. Inayos ni Cielo ang sarili niya tapos ay tumingin sa akin na nanlalaki ang mga mata.
"Carol, tingnan mo itong niluluto ko ha, may kukunin lang ako sa kwarto."
Muntik nang pumalakpak ang tainga ko. Umalis si Cielo, sinundan ko naman siya, pagdating ko sa silid niya ay agad akong pumasok tapos ay ini-lock ko ang pinto. She was sitting on her bed, playing with her fingers and looking as if she's not sure of something.
BINABASA MO ANG
Torn Between
RomanceUsually, torn between two lovers ang peg ng isang babae o isang lalaki, pero kakaiba si Maria Cielo Luisa, hindi siya torn between two lovers, torn between three lovers siya. Hindi naman ito major-major na problema pero nalilito siya. Masaya si C...