7. Compromised

3.7K 177 31
                                    

"Kailan babalik si Will?"

I was editing my dll when Marife spoke to me. I looked at her and shrugged.

"Mga two or three months from now. Panay naman kaming nagtatawagan sa phone. Okay na sa akin na makausap siya bago ako matulog. He's very sweet – so sweet parang..."

"Gago lang?" Tanong niya sa akin. Natigilan ako.

"Bakit naman?" Nagkibit-balikat siya.

"Wala lang. Alam ko naman na loyal at faithful si William sa'yo pero don't get me wrong my dear, but sometimes, feeling ko something is off sa kanya – sa relationship ninyo. Siguro kasi masyadong perfect kaya ganoon ang tingin ko pero alam ko naman, he loves you."

Pilit ang ngiti na isinagot ko sa kanya. Alam ko na rin naman iyon. Kung minsan ay napapatanong nga ako kung bakit sobrang perfect ni William. He's too good to be true but then, I love him and he loves me. Wala na akong hahanapin pa.

"Hindi niya ako lolokohin. He's a very good man." I said to Marife.

"I know... pero mag-ingat ka pa rin." Tango na lang ang isinagot ko sa kanya. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko hanggang sa bigla akong matigilan dahil naalala ko naman si Daxiel. Kailangan ko nga pala siyang makausap. Kailangan kong malaman kung ano ang trip niya sa buhay at tinataguan niya ako.

Nang hapong iyon, bago ako umuwi ay tinawagan ko si Kikay. Masayang-masaya siya nang makatanggap siya nang tawag mula sa akin.

"Ate, akala ko ide-display mo lang iyng number ko sa phone mo! Anong natin?!" She seemed very excited.

"Pwede mo ba akong dalhin kay Daxx? I need to talk to him." Seryosong pakiusap ko.

"Oh! Okay... ano, itatanong ko muna kay Kuya. Baka kasi busy siya ngayon. Friday kasi so maraming tao sa main branch ng restaurant niya." Naningkit ang mga mata ko. Bakit parang si Kikay ay hindi rin gustong makausap ko si Daxx? Binabaan niya ako nang phone. Hindi pwedeng palagpasin pa ang linggong ito na hindi kami nag-uusap. Tatlong taon niya akong tinaguan. Punyeta siya.

Ginamit ko na si google. I searched for his name and I found out the name of his restaurant.

Apples and Bananas.

Naisip ko nab aka may relasyon sila ni Apple Serrano kaya ganoon ang pangalan ng restaurant niya. Alam ko ang lugar na iyon, minsan na rin kaming nag-dinner doon ni William. Kung alam ko lang, noon ko pa hinanting ang ulol na iyon.

Doon ako dumiretso. When I got there, blockbuster nga ang tao. Maraming naghihintay sa waiting area ng restaurant. Wala akong nagawa kundi ang maghintay rin. Naupo ako sa waiting area malapit sa may bintana. I took my phone out and texted William, asking if he's okay in Oman. I was busy reading his reply nang maulinigan ko ang receptionist na magsalita.

"Sir, io-open na po namin iyong WING B, masyado na pong maraming tao."

It was him. Kausap niya iyong babaeng receptionist. Simpleng – simple lang si Daxiel. Tulad pa rin nang dati. He's wearing a black v-neck shirt and a pair of fitted jeans tapos naka-white sneakers lang siya. Mukha siyang hindi may-ari ng restaurant.

"Sige. Fix everything, Ana. Sa office lang ako if you need anything."


Dali-dali akong tumayo.

"Daxx..." I called him. Kitang-kita ko nang matigilan siya. He slowly looked back on my direction. Our gazes met. Nagbago agad ang reaksyon niya pero kaagad rin naman siyang ngumiti.

"Cielo... kamusta?" Ngumiti siya. Iyong ngiting nawawala ang mga mata niya.

"Usap tayo, pwede?" I asked him.

Torn BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon