Chapter 12

4.9K 86 0
                                    

Maraming bisita sa party ng mom ni Josh. Ngayon lang ako naka attend sa ganitong klaseng party. Maraming mayayamang politiko at businessmen ang nakita ko. Kaya pala maraming sasakyan sa labas ng mansyon nila Josh. Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Babyahe ng kay layo para lang sa isang party?

Inilibot ko ang tingin ko sa party. Katabi ko ngayon sina Yassi, Patrick, Gian, Charie. Nasa iisang mesa lang kami. Nandito kanina si Josh ngunit umalis siya saglit para kausapin ang ibang bisita. Palagi din kasi siyang tinatawag ng parents niya sa tuwing may kakausapin itong kakilala. Ipapakilala siya nito.

Nagkakasiyahan ang mga tao. May kumakain. MAy nagpopose para sa picture. MAy mga nagbibiruan sa isang sulok. Lahat ng tao masasaya. Hindi ko alam kung bakit feeling ko out of place ako sa lugar na ito. Siguro hindi lang talaga ako sanay sa mga ganitong event. Yong maraming tao, na hindi mo naman ka estado sa buhay. Marami lang talagang bagay na magkaiba sa mundo.

"Gail?", napalingon ako sa tawag ni YAssi.

"Hmm?"

"Okay ka lang? Kanina ka pa tahimik diyan.", nag aalalang tanong niya.

"OKay lang ako.", sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"BAkit ang konti lang ng kinain mo?"

"EWan ko, nabusog agad ako eh", sabay tawa ko ng mahina.

"Dessert?", aya niya sa akin.

"Sige. Penge ako konti.", tsaka niya nilagyan yong plato ko ng konting pagkain na galing sa plate niya.

"Ang gwapo talaga ng kapatid ni Josh!", narinig kong bulalas ni Charie sa harap ko. Napabaling ako sa gilid, kung saan siya nakatingin. NAndoon nakatayo ang kuya ni JOsh habang may kinakausap. HIndi naman maipagkakaila na gwapo ang kuya ni Josh. MAy pagkahawig sila ni Josh ngunit mas matangkad lang ang kuya niya sa kanya. Ang alam ko, nagla-law ang kuya niya ngayon sa Manila. DAti sinabi samin ni Charie na crush niya daw ang kuya ni Josh.

"Lahat naman ng lalaki gwapo sayo eh.", asar naman ni Gian.

"TSeh! INggit ka lang.", sabay ikot ng mga mata ni Charie kay Gian.

"Ha! Bakit naman ako maiinggit? Ako si Gian Zoren ALba the great! MAraming nagkakandarapa sa akin!", sabay ngiti niya ng malapad.

"Dream on bro!", sarkastikong sagot ni Patrick. Natawa naman kami ni Yassi.

"Tama na nga yan! Kuha nalang tayo ng wine!", yaya naman ni Yassi. Kumunot naman ang noo ko.

"Wag kayong uminom Yass.", mahinang bulong ko.

"Wine lang naman yon Gail. HIndi yon nakakalasing.", depensa niya.

"Kahit na."

"Ang kj mo talaga eh. Sige, wag kana uminom, basta iinom ako.", ang tigas talaga ng ulo.

"Ayon oh, may waiter.", si Gian. Nang may nakitang waiter na naglalakad.

"Umm. WAiter!", sigaw ni Yassi.

Kumuha sila ng apat na wine glass na may lamang wine at isang juice.

"Oh ito sayo.", sabay bigay sakin ni Charie ng juice.

"Thank you.", nginitian ko siya.

"Cheers! Para sa sawing puso ni Patrick!", sigaw ni Gian. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean?", tanong naman ni Charie.

"Remember Gwen? Basted si Patrick!", sabay iling iling ni Gian. Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman. Si Gwen, yong nanalo ng Ms. Nursing last year. Ahead siya ng 1 year sa amin.

Ang Probinsyana (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon