Limang buwan narin simula noong umalis si Lukas dito sa amin. Second semester na. Binibisita naman ako ni Lukas nong mga nakaraang buwan dito sa probinsya sa tuwing bakante siya at kahit may trabaho man sya, sinisingit niya parin ang pagdalaw sa akin. Sinasabi ko sa kanyang hindi niya naman kailangang gawin yon kasi halos araw2x naman kami nagkakausap. Baka makaistorbo pa ako sa mga trabaho niya kaso sinabi niyang ang dalang na nga lang daw niya akong mabisita tapos tinataboy ko pa daw siya. Tinataboy? Hindi niya alam na sa loob loob ko ang saya saya ko sa tuwing nagkikita kami. Palagi ko siyang namimiss. Minsan tatlong beses siya bumibisita dito sa isang buwan, minsan naman dalawang beses lang dahil minsan nagpupupunta siya sa ibang bansa dahil sa mga business trips niya. Medyo nagtatagal siya pag umaalis siya ng bansa. Pero kahit ganoon naman, nagkakausap parin kami. Hindi niya hinahayaang hindi kami magkausap. Nararamdaman ko talaga ang effort niya kaya mas lalo ko siyang minamahal.
Sa tatlong monthsary namin simula ng umalis siya, pinupuntahan niya talaga ako. Andami niyang pakulo. Nagulat pa ako noong isang monthsary namin, hindi niya kasi ako tinawagan noong gabi bago ang araw ng monthsary namin. Inantay ko ang tawag niya, tinawagan ko rin siya kasi hindi na ako nakatiis pero hindi niya naman sinasagot. Hindi rin siya nagrereply sa text ko noon. Alalang alala ako noon. Halos lumilipad yong utak ko noon papuntang Manila. Hindi ako masyadong nakatulog noong gabing yon. Yon naman pala, may plano siya.
Sinurpresa niya ako. Nagpunta siya dito at kinausap niya pa talaga si nanay. Magkasabwat pa talaga sila. Gulat na gulat ako noon, bagong gising pa ako. Paglabas na paglabas ko ng kwarto. AYon andaming rose petals na nagkalat sa sahig. Hinanap ko si nanay dahil gusto ko siyang tanungin kaso hindi ko siya nakita hanggang sa lumabas ako ng bahay at nakita ko si Lukas sa harap ng pinto ng bahay namin. Ang gwapo niya sa suot niyang white polo na nakatupi hanggang siko, jeans and sneakers. Halatang galing sa byahe. Basi sa suot niya, mukhang galing nga siya sa byahe. ANg gwapo niya! Ilang minuto akong napanganga noong nakita ko siya. Isang buwan narin noon simula nang umalis siya. Yon ang una naming pagkikita mula ng nagpunta siyang Manila. Pagkatapos kong makarecover sa pagkakagulat ay agad ko siyang nilapitan at niyakap ng sobrang higpit. Todo asar pa siya sa akin noon dahil masyado ko daw siyang namiss. Ang laki laki ng mga ngiti namin noon. Isa yon sa mga masasayang araw ko kasama si Lukas. Buong araw kaming magkasama noon. Halos di na kami nahiwalay. Miss na miss ko lang talaga siya noon. Sakto namang wala kaming pasok noong araw na yon kasi Sabado yon.
SA tuwing bumibisita siya dito, sinusulit naming dalawa ang stay niya. Gustong gusto niya na akong isama sa Manila. Paulit2x niya akong kinukulit sa gusto niyang mangyari, na dalhin ako doon at doon nalang patirahin kasama siya. Paulit2x ko naman siyang tinatanggihan dahil hindi naman iyon tama. AYokong iasa lahat kay Lukas, at isa pa, nag aaral pa ako dito. NAndito rin ang work ni nanay. AYokong isipin niya na sinasamantala ko ang pagkakaroon namin ng relasyon.
Gusto niya narin akong ipakilala sa Dad niya pero hindi parin nangyayari yon. HIndi parin kasi ako pumapayag na isama niya sa Manila. Sino ba naman kasing hindi magdadalawang isip na sumama? CEO ng isa sa mga pinakamalaking kompanya sa bansa ang i-memeet ko. Ngayon palang, andami nang tumatakbo sa isip ko. Matatanggap niya kayang ang girlfriend ng anak niya ay isang tulad ko lang? HIndi ako kasing yaman ng mga babae na nasa syudad. HIndi ako kasing ganda ng mga babaeng kaibigan ni LUkas. Sa madaling salita, hindi ako ka level nila. Hindi ko nga lang sinasabi iyon kay Lukas dahil ayaw kong magalit siya sa rason ko. Pero kahit ganoon, alam kong nararamdaman niya naman ang hesitation ko. Palagi niya akong ina-assure na mabait ang dad niya. Na paniguradong magugustuhan ako ng dad niya. Pero hindi parin mawala-wala sa isip ko ang takot at kaba na baka hindi iyon ang mangyari.
Oo, nakilala ko na noon ang dad niya noong nag fieldtrip kami. Base sa una naming pagkikita, mabait naman siya pero iba parin yong ipapakilala na ako ni Lukas bilang girlfriend niya.
BINABASA MO ANG
Ang Probinsyana (Completed)
RomanceAng Probinsyana is a story of a simple girl living in the province who happens to meet the city boy from Manila. Dalawang taong magkaiba ang pamumuhay. Magkaiba ng hilig at gusto sa buhay. Magkaiba ang paniniwala. Magkaiba sa lahat ng bagay. Ano ang...