Ngayon ang First Day of Class. Nakakalungkot kase ang bilis matapos ng bakasyon. Babalik na naman kami sa boring na school. Ugh! I hate School. Haysst! Ang bilis talaga ng panahon kapag nag eenjoy ka.
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa school. May kalayuan ang paaralan mula sa bahay namin pero dahil sa maaga ako nagising medyo marami pa kong oras. Pinili kong maglakad para makatipid sa pamasahe at syempre makapag exercise.
Wala akong kasabay. Gusto ko kase yung piling na nag iisa. Naglalaan ako ng oras para sa sarili ko para bang ME TIME.
Nakapasok sa tenga ko ang earphones ko habang pinapatugtog ang paborito kong kanta. Ang sarap ng feeling ko.-----------------------------------------------------------
Sa wakas, nandito na rin. Hinanap ko kaagad ang bago kong room. Naliligaw yata ako, medyo malawak kase ang paaralan namin eh.
Habang busy ako kakahanap mg section ko may biglang tumakip na kamay sa mga mata ko. Hayssst! First Day of School may nangti trip agad Busseett!!
Bumulong siya sa tenga ko. Hindi naman medyo malakas ang volume ng tugtog kaya narinig ko siya.
"Guess who?"
Teka parang pamilyar yata ang boses niya.
Ohmy! Is that her?"Rejanna?"
Tinanggal niya ang kamay niya sa mga mata ko. Lumingon ako. Siya nga! Tinanggal ko na din ang earphone sa tenga ko.
"Hi! Krizha" bati niya sakin na may ngiti sa labi niya.
Niyakap ko kaagad siya. Sobra ko siyang na miss. Classmate ko siya noon at masasabi ko na ring BestFriend. Pinauwi siya ng Mama niya sa probinsya sa Masbate dahil hindi niya daw sineseryoso ang pag aaral niya. Nawalan kami ng communication noon. Hindi ko alam na nakabalik na pala siya sa Cavite.
"Rejanna kaylan pa?"
"Last week lang. Akala ko nakalimutan mo na ko eh."
"Grabe ha. Makakalimutan ko ba yung mukhang yan." Sabi ko sabay hawak sa dalawang pisngi niya. Napatawa ko siya.
"Awww.(^v^) by the way Krizha anong section mo? Sana mag classmate uli tayo."
"Section 2, ikaw?" Sana pareho kami.
"Tsk. Anubayan. Ginalingan Mo yata eh! Section 8 ako." Nag pout siya. Nalungkot yata.
"Wag ka mag alala. May next year pa naman eh! Malay mo diba?" Nag smile ako sa kanya.
"Mukhang malabo. Ang Talino Mo kaya."
"Kung nakaya ko. Kaya mo din."
Sabay naming hinanap ang room ng bawat isa. Habang naglalakad kami ang dami niyang kwento sakin. Syempre sa tagal ba naman naming di nagkita.
BINABASA MO ANG
My Girl and I (bisexual love story)
RomanceAs long As You're happy does it matter who you fall in love with? •Love is patient •Love is kind •Love is blind And LOVE HAS NO GENDER.