CHAPTER 2: THROWBACK

58 0 0
                                    

Kanina pa KO naghahantay sa labas ng room namin pero wala pa si Rejanna. Hindi na rin nakakapanibago kase nung Elementary ganyan na siya sa kin.

"Krizhaaaaa!!"

Lumingon ako nang narinig Kong may tumawag sa pangalan KO. Sabi KO na nga ba si Rejanna to. Hinawakan niya ang balikat ko mukhang tumakbo at nagmadali. Hingal na hingal kase eh.

"Krizha... Sor-ry kaaa se na-late a...ko"

"Patatawarin kita basta dapat maganda ang rason mo."

"Cleaners ako. Sapat na ba yon?"

Natawa ako. "OK na yon."

"Tara na?"

"San ba tayo punta?"

Napakunot ang noo KO. Wala along clue kung saan ba ako dadalhin ni Rejanna.

"Sa dating tambayan natin."

---------------------------------------------------------------

At Playground

Nandito na kami ngayon sa dating tambayan. Yung school kase namin noong Elementary may katapat na playground pag labas sa eskwelahan maglalaro muna kami sa playground. Habulan dito Habulan doon. Asaran Batuhan at pikunan. Elementary Days.(>y<)

Aaminin KO namiss KO to. (^v^) Parang nagbalik lahat ang ala ala.

Umupo ako sa swing. Sumunod din si Rejanna. Nagpapataasan kaming dalawa.

"Krizha, naalala mo pa ba. Nahulog ka don sa punong yon?"

Tinuro niya yung puno ng mangga.

Naalala KO yon. Mahilig kase akong mangtrip pati aso pinagtitripan KO. Nakatali non yung aso hindi KO inaasahan na makakawala. Kaya Ayun hinabol ako. Sa sobrang panic KO umakyat na lang ako sa puno ng mangga.

"Naaalala ko nga yon. Hahahaha Ang dami Kong sugat tsaka napilayan pa nga ako kase hindi mo naman ako sinalo."

"Nagkulang ka lang sa tiwala Krizha."

"What do you mean Rejanna?"

"Di ba pinapababa kita doon. Ayaw mong Bumaba? Sabi mo kase sakin natatakot ka"

"Ang daling umakyat, ang hirap bumaba Eh. Taas pala ng naakyat KO di KO namalayan."
Natatawa ako sa sarili KO satwing naaalala KO yon.

"Sasaluhin naman kita. Ayaw mo lang. Paulit ulit mong sinasabing takot kang mahulog."

"Syempre takot masugatan."

"Pero anyare?! Napilayan ka pa din naman."

"Sa tingin mo ba pag sinalo mo ko, hindi na KO masusugatan?"

"Masusugatan pa rin. Pero hindi ganon kalala. Ayaw mo non may kadamay ka."
Natawa siya sa sinabi niya.

"Ayaw KO naman mandamay."

"Choice Kong damayan ka."

"Eh ikaw Rejanna natatandaan mo pa ba nung napagalitan tayong dalawa ng teacher natin kase daldal tayo ng daldal habang nagtuturo siya?"

"Oo napatayo pa tayo non diba?"

"Ikaw lang kaya yon. Hahahaha habang nakikipagdaldalan ako nakikinig ako sa kanya noh!"

"Oo nga pala. Nasagot mo kase yung tanong niya."

"Nakasagot ka rin naman non ah."

"Nakasagot nga Mali naman!"

Nagtawanan kaming dalawa.

Nakakatuwa lang kase Kahit ilang taon kaming di nagkasama at nagkausap ni Rejanna noon. Hindi pa din nagbago ang pakikitungo namin sa isat isa.

Nagkwentuhan lang kaming buong araw ni Rejanna. Inaalala naming yung mga kalokohan naming ginagawa nung Elementary.

Palubog na ang araw kaya nagpaalam na KO Kay Rejanna. Gusto KO pa siyang kausap ngunit baka pag nagtagal pa ako magalit na sakin Si Mama.

Nagpaalam na KO Kay Rejanna. Malapit lang yung bahay niya sa dati naming school kaya di niya KO mahahatid kase malayo layo pa bahay namin eh.

----------------------------------------------------------------

Wala pa pala Si Mama sa bahay. Siguro nag overnight siya sa trabaho. Gipit kase ngayon. Dalawa lang kami ng kapatid KO sa bahay.

"Emerald, sabi KO sayo wag kang magkakalat kase di ka naman marunong magligpit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Emerald, sabi KO sayo wag kang magkakalat kase di ka naman marunong magligpit." Inayos KO ang mga laruang nakakalat sa sahig.

"Wag mo po muna ligpitin ate. Pramis ako na lang magliligpit nyan." Sabi niya habang nakataas pa ang palad niya. Natawa ako kase nagpapacute siya.

"Okay, Emerald. Basta dapat maaga ka matutulog ha."

"Opo ate."

"Good. May usapan tayo Emerald ha."

Nginitian niya na lang ako. Ginawa KO na na ang mga paalala ni Mama na dapat pag uwi niya tapos na lahat nga gawaing bahay.

--------------------------------------------------------------

11:28 pm

Pinatulog KO na si Emerald. Tapos KO na lahat ng gawaing bahay. Hinihintay KO na lang Si Mama.

Antagal niya naman ╥﹏╥

*tok... Tok...tok*

Siguro si Mama na yan. Tumingin muna KO sa bintana ng bahay. Si Mama nga. Binuksan ko ang pinto at pinapasok si Mama.

 Binuksan ko ang pinto at pinapasok si Mama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ramdam Kong pagod na pagod siya. Patay na kase si Papa kaya siya na lang ang nagtataguyod samin.

"Mama nakapagluto na po ako at nakapagsaing. Sandukan KO po kayo?"

"Wag na Krizha. Magpahinga ka na. Kaya KO ang sarili KO anak. Nasaan si Emerald? Tulog na ba ang kapatid mo?"

"Opo, NASA kwarto na po siya. Sigurado po kayo Mama?"

"Oo matulog ka na. Gabi na. May. Pasok ka pa bukas. Pahinga ka na anak."

Sinunod ko si Mama. Pumunta ako sa kwarto ko at natulog na. Isa na namang araw ang natapos na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Girl and I (bisexual love story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon