[1]

29 3 3
                                    

[(Y/N)'s]

"(Y/N) alam mo minsan, kaylangan mo din magbreak. Wag mo ipush palagi yung sarili mo... You know? Have some fun~" Sabi nung etchusera kong kaibigan.

"O tapos? Aayain mo nanaman ako na sumama sayo magpunta sa club? Sorry pero wag na lang." Sabi ko naman habang nag-aayos ng libro sa shelf. Ayoko na kasi.. Ayoko ng magpunta sa club. Alam niyo ba kung bakit?

Ayoko kasi sa maiingay na lugar at mas gusto ko pa sa bahay kesa magpunta sa mataong lugar na ang ingay ingay at amoy pa alak.

"Ang KJ mo talaga (Y/N)... Pa minsan minsan lang naman to eh. Saka kasama naman natin sila Namjoon ehh." Pagpipilit niya sa akin.

"Ehh kung sa-"

"Good Morning Sir.." Sabay naming bati ni Andrea ng may pumasok na customer.

Hindi ko pa nga pala nababanggit pero nagpapart time job ako sa isang bookstore malapit sa school namin. Siyempre para di na hassle sa pamasahe. Nilalakad na lang.

Kasama ko etong etchusera na chismosa pang bestfriend ko na si Andrea. Hay nako... Hindi matigil tigil ang bibig nito kakadaldal. Ano kayang kinain nito at nagkaganyan yang babaeng yan. Pero kahit na ganyan yan, bestfriend ko yan. Hindi ko alam kung bakit at pinagsisihan ko na ngayon.

"Dali na (Y/N), sama ka na." Pagpupumilit niya pa.

"Alam mo, ituloy mo na lang yang ginagawa mo, baka makasapak pa ako dito." Sabi ko sa kanya at inirapan ko siya. Inikutan niya lang ako ng mata at tinuloy niya na yung ginagawa niya.

Dahil sa malapit ng matapos yung shift namin dalawa, inayos ko na yung bag ko. Naka-ugalian ko na kasi na ayusin yung bag ko.

Habang nakatalikod, narinig kong tinawag ako ni Andrea.

"(Y/N)." Sambit niya. Humarap ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay habang naka halukipkip.

"Ano nanaman ba, Deng?" Tanong ko habang nakakunot ang noo. Lumawak naman ang ngiti niya na para bang nang-aasar saka sinabing...

"Sama ka na?" Sabi niya sabay takbo palabas dahil alam niya na mananapak na talaga ako.

***

"Ano ba kasing gagawin natin dito? Gusto ko ng umuwi!"

Alam niyo ba yung feeling na yung ayaw mong makita, nakikita mo? Yung ayaw mong amoy, naamoy mo?

Nasa club kasi ako. Amoy alak, puro pa naghahalikan tapos yung iba parang nababaliw na na ewan.

Ano nga bang ginagawa ko dito? Sa isang maingay na lugar na may mga nag-iinuman at may mga sumasayaw pa?

"Chill lang (Y/N)! Hintay ka lang diyan." Sabi ni Andeng sa akin. Teka...

Ay oo nga pala. Dahil sa kanya nandito ako sa lugar na ayaw kong puntahan. Fishtea kasi to ehh. Binitbit ba naman ako...

Paglabas na paglabas ko ba naman ng bookstore, inabangan pala ako nito sa labas tapos binitbit ako.

Tss. Kaya sa ayaw at sa gusto ko, wala na akong choice kundi sumama sa kanya.

Chill (Y/N), ganito lang naman gagawin mo... Uupo ka lang tapos pagnawala na itong si Andeng, tatakbo na palabas. Gandang idea diba?

Pero... Mukhang di mangyayari...

Hinila ako ni Andeng pabalik sa realidad ng pinitik niya yung noo ko. Napakurap naman ako ng ilang beses at tinignan siya. Yung naiiritang tingin. May kasama siya ehh. Si Namjoon ata tapos yung boyfriend niya tapos kasama niya din si Jobelle at may isa pa siyang lalaking kasama na hindi ko kilala.

Ms. Peevish meets Mr. AnnoyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon