[2]

19 2 1
                                    

[(Y/N)'s]

"Anong nangyari?" Napahawak ako sa ulo ko na sumasakit dahil ewan ko kung bakit. Para bang pinalo ng baseball bat sa sobrang sakit.

Tumayo ako mula sa kinahihigaan ko at nag unat-unat sabay higab ulit at higa sa kama.

"Ano ba kasing nangyari? Ang sakit ng ulo ko!!" Sigaw ko at pumadyak ng pumadyak sa kama ko na para bang batang di nabigyan ng candy tapos nagmamaktol na. Parang ganon. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad sa akin si Deng na naka-apron pa at may dala-dalang sandok.

"PWEDE BA!! ANG AGA-AGA, NAMBUBULABOG KA NA!" Sigaw niya sa akin at sinara yung pinto ng malakas.

Napabuntong hininga nalang ako at bumangon sa kinahihigaan ko.

Pumasok ako sa banyo ng kwarto ko at tinignan yung sarili ko sa salamin.

Sabog...

Yan yung itsura ko. Yung feeling na yung buhok ko, sabog sabog. Yung parang pugad ng ibon. Tapos yung eyeliner ko parang lusaw na na ewan. Para talaga akong naka shabu na ewan. Ano ba kasing nangyari kagabi?

Napaikot na lang ako ng mata at naghilamos. Nagpalit ako ng damit at dumiretso sa kitchen. Naabutan ko si Andeng na nagluluto ng kung ano man iyon. Ang bango at nakakatakam kaya naman lumapit ako sa kanya at tinignan yung niluluto niya.

Soup ata.

"So... Hindi ka na ba mag-iingay?" Tanong niya sa akin habang ang tingin niya ay nasa niluluto niya. Tumango ako.

"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko sa kanya. Kumuha siya ng dalawang bowl at nilagyan niya ito ng soup.

"Malamang nagluto ako para sayo." Sabi niya sa akin at napataas namab ako ng kilay.

"Bakit ano bang meron? Wag mo sabihing manghihingi ka nanaman ng pabor."

"Baliw... Nagluto ako dahil alam kong may hang over ka pa." Sabi niya at pinatong niya yung dalawang bowl sa lamesa habang ako naman, kumuha ng dalawang kutsara at umupo sa katapat niyang upuan.

"Hangover bakit? Ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanya na nagtataka. Kinutsara niya yung soup at hinipan niya at tinignan niya ako at sinubo yung kutsara saka nagsalita.

"Malamang, ininom mo yung alak kagabi." Sabi niya na parang ang casual casual lang. Nanlaki ang mata ko at napatayo sa kinauupuan ko.

"Ano?" Tinignan niya ako at ibinaba niya yung kutsara niya.

"Bingi lang? Sabi ko ininom mo yung alak kagabi." Sabi niya at napahawak naman ako sa ulo ko habang nakatayo parin.

"Sumasakit ulo mo? Hangover yan. Kainin mo na muna yang soup mo bago ka magtanong ng magtanong." Sambit niya habang sumusubo ng soup. Tumango naman ako at umupo sa upuan. Kinutsara ko yung soup at sinubo ko. Medyo nahimasmasan naman ako ng konti.

Pagkatapos naming kumain, hinarap ko kaagad siya at tinanong.

"Hindi ko alam na nagkakaroon ka pala ng amnesia kapag nakakainom." Sabi niya habang nakatingin sa taas at nakahalukipkip.

"Ano nga kasi?" Pagpupumilit ko.

Kinuwento niya sa akin na iniwan niya lang ako sa may sofa mag-isa nun at hindi niya daw alam kung pano ako naka-uwi mag-isa eh lasing daw ako nun dahil iniwan ko daw yung bote ng beer sa lamesa na ubos na.

Ms. Peevish meets Mr. AnnoyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon