[4]

9 0 0
                                    

[(Y/N)'s]

"Hala, lagot ka (Y/N)! Di ka ba nagreview." Pananakot sa akin ni Andrea na sitting pretty habang kumakain ng chichirya sa loob pa mismo ng library. Ewan din to ehh. May nakalagay na ngang 'No Foods and Drinks Allowed' pero tuloy tuloy parin. Hayss, hindi naman ako yung papagalitan kaya bahala na siya sa buhay niya.

"Hindi ka nakakatulong." Sabi ko at inikutan ko siya ng mata. Hindi ko talaga alam kung pano at bakit ko to naging kaibigan. Hindi naman ako nag bebenefit sa kanya. Tsss.

Tuloy-tuloy lang siya sa pagkain niya. Nasa kadulu-duluhan kami ng library kaya medyo tahimik saka, hindi siya nasisita kasi nga, wala masyadong nakakakita sa kanya at yung librarian, nasa may harap. Masyadong masungit yung librarian dito. Nako, hindi mo gugustuhing mahuli nung librarian.. Pero etong katabi ko, mukhang gusto ata ehh.

Ang problema ko lang talaga kasi, nakatulog ako kagabi... Hindi ko pa nga tapos masagutan yung aasignment tapos may quiz pa kami. At alam mo yung masaklap...

Math ang subject.

At etong katabi kong babae, porket kasi nakapag review at nasagutan niya yung assignment, nag-iingay na. Ayaw pa akong tulungan. Di na nga nakakatulong, lamon pa ng lamon. Taba-taba na nga ehh. Ang takaw-takaw pa. Tas ang masaklap, kakain na lang, ang lakas pa ng tunog.

"Alam mo Deng, di ka talaga nakakatulong. Pataba ka ng pataba diyan ehh, ang ingay ingay mo pa." Sabi ko sa kanya at inikutan niya lang ako ng mata. Hindi kasi siya makapagsalita, kasi punong puno na yung bunganga niya. Eh siya naman kasi, lamon ng lamon. Di na ako magtataka kung biglang pumutok damit niyan ngayon dahil sa katabaan. Tatawa talaga ako ng malakas kapag nangyari yun.

Alam niyo ba yung feeling na ginagawa mo na ang lahat para makapasa ka? Yung gahol ka na sa oras pero sinusubukan mo parin?

Pilit ko namang iniintindi pero sadyang mahirap lang talaga. Kagabi pa to eh, may galit ata sa akin. Tsk tsk. Ayaw kasi magpa-intindi sa akin.

"Deng, turuan mo nga ako sa Math." Sabi ko sa kanya pero umiling siya. Sabay sabi "Kaya mo na yan, malaki ka na diba."

Sasapakin ko na talaga to ehh.

"Pakopya na lang ako nung assignment." Sabi ko sa kanya pero ngumiti siya. Yung nang-aasar na ngiti.

"Ililibre mo ba ako?" Tanong niya at napakamot naman ako sa ulo ko. Binuksan ko yung bag ko at hinanap yung wallet ko pero hindi ko makita. Naiwan ko ata sa bahay. No to break muna mamaya. Walang kakain.

Nanlumo naman ako nung di ko makita yung wallet ko. Kasi alam niyo na.. No wallet = No assignment. Ang takaw kasi nitong babaeng to. Bestfriend ko ba talaga yan?

Napasimangot naman ako at umiling. Nagkibit balikat naman tong si Deng at tuloy tuloy sa pagkain niya. Pinatong ko yung ulo ko sa lamesa at napabuntong hininga. Bahala na si Batman sa grades ko. Iaasa ko nanaman to sa kanya.

"(Y/N)!" May narinig akong tumawag sa akin pero hindi ko pinansin. Maya-maya ay may narinig akong yabag ng paa papalapit sa akin pero hindi ko parin iniaangat yung ulo ko. Panigurado siya nanaman yan ehh.

Walang iba kundi si Taehyung.

Simula ng makilala ko siya, biglang naglaho sa diksyonaryo ko ang kapayapaan.

Maya-maya naman ay may tumusok sa pisngi ko pero di ko parin inaangat yung ulo ko.

Di parin to tumigil kaya iniangat ko na ang ulo ko at tinignan siya ng masama. Yung masama talaga. Nakakairita na kasi ehh.

"Ano to?" Tanong niya at kinuha niya yung notebook ko. Pinagmamasdan ko siya ng medyo nakasingkit ang mata habang hawak-hawak yung notebook ko.

Napansin ko na parang may kakaiba sa kanya.

Oo nga, may kakaiba. Nakasalamin siya. Pero wala namang pinagkaiba yun sa hindi siya nakasalamin at nakasalamin. Ganun parin naman itsura niya, nakasalamin nga lang. Gets niyo ba ako?

"Bakit wala ka pang sagot?" Tanong niya at napakamot ng ulo. Ipinatong niya sa lamesa yung notebook ko at kinuha niya yung ballpen ko.

"Kasi wala pa kasi akong sagot." Pagpipilosopo ko. Nagkibit-balikat na lang siya at may sinulat siya sa notebook ko. Pinagmamasdan ko lang ang ginagawa niya hanggang sa huminto siya at binigay niya sa akin yung notebook ko na may sagot na.

Napanganga naman ako habang tinitignan yung mga sagot sa papel ko.

"Pano mo nakuha yung sagot? Ehh hirap na hirap nga ako dito." Sabi ko na manghang-mangha.

"Simple lang naman eh. Kailangan mo lang intindihin saka gamitin ang method ko." Ngumisi pa siya at inikutan ko siya ng mata.

"Oh tapos?" Tanong ko at tinignan ko siya na parang interesado sa method niya ng pag solve. Sinensyasan ko siya na magpatuloy pero mas lalo lang lumaki ang ngisi niya.

"On one condition." Sabi niya at napakunot ang noo ko. Ano naman kayang kondisyon nito?

"Ano?" Tanong ko habang nakasandal sa kinauupuan ko at nakahalukipkip.

"Hmm.. Pag-iisipan ko pa." Sabi niya. Eh baliw pala to eh. May kondisyon pang nalalaman, wala naman palang final decision. Tss.

"Huh?"

"Ano? Deal?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa mata ko. Ibinaling ko ang tingin ko sa iba dahil sapaw yung mukha niya. De joke lang... Masyado kasing nakakailang.

Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi. Pero ayoko talagang bumagsak.

Ayokong bumagsak.

Sino ba gustong bumagsak?

Gusto mo bang bumagsak?

Masakit kasi bumagsak.. Walang sasalo sayo kundi lapag lang. Atleast may sinalo ng lapag pero masakit parin eh.

Pero joke lang. Sino ba naman kasi gusto ma-fail yung subject niya. Ayokong mag-repeat at mas lalong ayokong pumunta dito pag summer. Masasayang lang yung pagpapart time ko kung magsa-summer pa ako.

Yung pinambabayad ko kasi sa tuition ko, yung pinangpapart time ko. Tas yung sa apartment, actually sa pinsan ko talaga yun na nasa America ngayon kaya libre lang ang pakikituloy ko doon.

So... Bahala na nga ulit si Batman. Para sa kinabukasan ko. At kung ano man yang kondisyon na yan, bahala na rin.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at napabuntong hininga bago sabihing..

"Fine... Deal."

♡♡♡

Very very late update. Anyways, baka baguhin ko yung title haha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms. Peevish meets Mr. AnnoyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon