Three

9 1 0
                                    



Nana's Point of View


Simula nung nangyare sa 7eleven ay lagi na akong hindi makatulog sa gabi. Lagi ko syang napapaniginipan at nagigising ng madaling araw sa sobrang kilig. Hindi ko alam kung anong nangyayare sakin, masama ba'to o mabuti. Hindi man nakakaapekto sa pagaaral ko pero sa pagtulog oo.

"Class dismissed"

Simula din nung araw na yun ay di na uli namin sya nakikita, nakalimutan na nga ata nila Cassie at Abby yun e. Dalawang linggo narin kasi ang nakalipas at ayun move on na uli ang dalawa at boy hunting na naman. Pero ako? Hindi ko alam pero lagi akong umaasa na sana makita ko ulit sya, parang akong teenager na may crush ewan ko ba! Lagi akong nagaabang sa 7eleven patagong na silip o kaya naman pasikretong napasok don minsan kahit mahal tubig don lagi na ako nabili don kasi nagbabakasakaling makita ko uli sya. Nababaliw na ako! Ayoko na itong nangyayare sakin! Kasalanan nya to e.

 

"Hoy tulala ka nanaman dyan! Tara na baba na tapos na klase tambay tayo sa Walter Mart" - Honey

 

"O-kayy" matamlay na sagot ko at niligpit na ang mga gamit ko.


"Tara na mga be baka maunahan tayo don sa karaoke! Dalian nyo!" pagmamadali ni Cassie sa amin. Tch.



Nang makarating kami sa Walter Mart ay tama nga si Cassie dahil naunahan na nga kami ng ibang grupo sa karaoke-han kaya sobra nalang ang pagkainis ni Cassie. Ito kasi ang hilig nya pagnapunta kami dito, lagi na nga lang sya yung nakanga pagdi namin tinatapos mga kanta namin.

 

"Tara nalang sa food court kain tayo!" - Abby

"Kain ka na naman! Kabibili lang natin ng kwek kwek!" - Cassie

Nagsisimula na naman sila hays.


"Nga pala Nana samahan moko don sa Japan Home may pinapabili si mama saking gamit don e" - Honey


"Sige may bibilhin din naman ako don e. Oy kayong dalawa maiwan muna namin kayo kita nalang tayo food court" pagpapaalam ko at naglakad na kam papunta escalator. Nasa 3rd floor kasi ang Japan Home.


"Hoy ikaw natutulog ka ba sa gabi? Pansin ko netong mga nakaraang linggo laki ng eyebags mo saka lagi kang hikab ng hikab! Ano puro ka na naman kdrama ano? Hindi ba sinabi ko sayo manood kalang pagsaturday at tuesday dahil wala tayong pasok kinabukasan non ha? Nakikinig ka ba?" sermon na naman ni Honey habang papaakyat kami.


"Opo nay. Saka ano ka ba di na nga ako nakakanood e nagpapapasa paba ako sayo ngayon hindi na diba? Hindi lang talaga ako makatulog netong mga nakaraang araw"


"At bakit aber?"


Ayokong magsinungaling sa kanya pero ayoko namang sabihin na dahil sa isang lalake kaya ako nagkakaganito ngayon edi hindi lang sermon ang aabutin ko may sapok pa!


"W-walaaa! Tara na nga!" sagot ko nalang at pumasok na sa store.


"Bilhin mo na muna yung bibilhin mo don muna ako sa dulo kasi nandon yung pinapabili ni mama e puntahan mo nalang ako ha?" - Honey


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Korean Guy at 7-Eleven [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon