Nana's Point of View
"Hoy! Tama na yan! Tara na!" sigaw ng kaibigan kong si Honey."Oo na!" sabi ko naman at inayos na ang mga gamit ko.
"Bilis! Nauna na sila Abby at Cassie oh! Ang bagal mo talaga!"
"Wait nga lang kasi diba?" pagsusungit ko naman.
Nang maayos ko na ang mga gamit ko ay pumunta na ako sa labas ng pinto kung saan naghihintay si Honey.
"Bagal mo talaga kahit kailan!" reklamo niya sa akin.
"MIAHNAEYOOOOO" pagsosorry ko.
"Tss. Yan ka na naman kakakorean mo kinakain ka na ng sistema mo dyan sa Kdrama mo na yan"
"Pft! Wow nini ha? Parang ikaw hindi ha? Anyare?" tanong ko. Sungit nya ngayon!
"WALA!! MERON AKO WAG KANG MAGULO!" sigaw nya. Yun naman pala okay shut up na ko.
Nang makarating kami sa baba ng school nakita agad namin ang dalawa na naghihintay sa amin.
"Grabe! Ang tagal niyo! Gutom na ako!" maktol din ng isa kong kaibigan na si Abby.
"ETONG SI NANA KASI ANDAMI PANG KAEKEKAN SA BUHAY!" paliwanag ni Honey. Jusq mainit talaga ulo nya.
"Kailan ka ba nabusog? NakapaPG mo eh hahaha!" pangangasar ni Cassie sa kanya.
"Tara na nga! Ako na naman trip nitong babaeng to e!" sabi ni Abby sabay nauna ng maglakad.
"HAHAHA JOKE LANG NAMAN HOY ANTAYIN MO KO!" tawa ni Cassie.
"Saan tayo kakain?" tanong ko.
"As usual sa kwek-kwekan" sagot naman ng katabi ko si Honey sabay pulupot ng kamay nya sa braso ko. Napakaclingy kasi netong babaeng to.
"LIBRE KO! BINIGAY NA NI MAMA SAKIN BUONG ALLOWANCE PARA SA NGAYON SEM!" lingon ni Cassie samin sabay palakpak.
"OKAY!! TARA NA!" excited na sabi ni Abby saka nauna ng tumakbo hila hila ang kawawang si Cassie.
Dumiretso na kami sa likod ng school para pumunta sa kwek-kwekan. Eto ang palagi naming ginagawa pagkatapos ng klase o kaya naman pagwala kaming professor. Palagi kaming nandito, actually ang buong klase nandito lagi kilala na nga kami ng tindera e hahaha.
Twenty pesos mo lang busog kana sa limang kwek-kwek at isang palamig! 😂😁
"Good Morning ate!" sigaw na agad ni Cassie kay ate na nagtitinda ng kwek-kwek.
"Oh! Andyan na pala kayo"
"Syempre naman ate always present kami dito hahaha! Wala ba kaming libreng isang kwek-kwek dyan?" pagbibiro ni Abby
BINABASA MO ANG
Korean Guy at 7-Eleven [ON-GOING]
Teen Fiction|Korean Guy at 7eleven| Written by: Nanabby.jpg