ChapterOne: Newbie Mode Ulet

953 19 8
                                    

"OhMyGOSH! Malalate na ako! First day pa naman!" nag mamadali kong sinabi habang papasok ng school.

Ayy teka lang! Ako nga pala si Kim. 1st year college at sabihin nating tama lang ang beauty at sexy. Edi ako na makapal, ako na talaga. Let's say na may mga nanliligaw dati pero ngayon, Newbie na muna ang turing niyo sakin. Teh, First day pa lang wag magmadali.. Maraming gwapo jan! HAHA. Joke lang.

"Ms. Beauty! Late ka na! Maghintay ka muna sa labas!" Ang sigaw sakin ng isang hampaslupang janitress habang papasok ako ng room. Ayy sorry, Adviser ko pala yun. Siya pala si Ms. Santiago. Ngayon alam ko na kung baket Ms. pa lang siya. So eto ako, late on the first day. Sorry ma'am ah! Sadyang traffic lang. Kung magagalit ka, edi sugudin mo ung traffic enforcer!

"Ma'am! Sorry po. Sadya traffic lang."

"Get Inside! Your excuses are just nonsense!" 

Teh, nosebleed much? Edi ikaw magaling mag-english. So yun, pumasok ako ng room pero kamalasan! Ang sadyang seat na available ay malapit sa isang lalaki. Mukhang Newbie rin siya kagaya ko.. So yun, no choice.. BAHALA NA SI BATMAN.

"Kuya, May nakaupo ba dito?"  tinanong ko politely syempre. 

"Wala naman." sinagot niya habang nakatitg siya sa mga mata ko.

"Ahh. Sige paupo na lang muna saglit ha."

"Sige."

Edi yun, magkatabi kami.. kaso lang... syempre.. Hiya mode muna. Sorry ah! Hinde kase ganun kakapal ang mukha ko eh. Pagbigyan. Pero... narealize ko, Pogi pala ni kuya. Ayiieee! Edi siya na pogi. Ngiti niya pa lang, feeling ko langit ang kaya lang gumawa. Sabihin nating Love at First sight? Hayy nako! para na naman akong baliw! 

"Okay pupils! introduce yourselves one by one in front starting from the first row" sigaw nung baboyramong bakulaw sa harap. Yun na nga, yun na nga yung adviser ko. Buti na lang asa may last row ako. 

Pagkatapos nila magpakilala, turn na ng pinakagwapong lalaki sa classroom na kilala ko, Yung kuyang katabi ko, magsalita.

"Hi and Goodmorning to all of you. My name is Kristopher Gabriel S. Panganiban. I prefer to be called Gabriel. I am 16 yearsold and I love dogs." 

"Thank Gabriel!" Wika ng Baboy.  

"Next Pupil please!"

Gosh ako na! Wish me luck na lang mga people! Kaya ko to.

"Goodmorning fellow students! My name is Maria Kristina T. Ocampo but you can call me Kim for short. I'm 16 years old and I love to cook."

Taray mode yung baboy habang sinasabing "Thank you Kim"

Matapos ang Introduction ng buong klase, Break na namin. Hay buhay! kanino kaya ako sasabay?

"Kim, Gusto mong sumabay samin?" Tanong ni Elena. 

Sino si Elena? Siya ang pinakamabait na taong kilala ko! kung wala siya, malamang wala akong kasabay kumain. Malay mo maging Best F ko pa siya.

"Sige. Sure ka ba okay lang?" Tanong ko naman.

"Nakoo! OO naman! Tara!"

"Sige. Thank you ah!"

 Nakasabay ko siya at mukha namang mababait pero tignan natin in the future. Nakipagbiruan siya sakin at ayun feel ko na siya maging friend. Akalain mo nga naman, kasabay ko rin siya pauwi? Napatunayan ko na madali lang makipagkaibigan. Okay! One down, 43 pupils to go. Hayy.. Magiging kaclose ko kaya silang lahat? Tignan natin tutal, First day pa lang naman eh.

School Life [PostPoned]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon