ChapterFive: Ang aking Personal Stalker

150 12 0
                                    

"Gabriel, Mahal na mahal kita!"

"Mahal rin kita Kim." 

"KIIIMM!!! Gumising ka na!!! Tama na yang Gabriel na yan! Kain na tayoo!" Sigaw ni kuya. 

Bumagsak ako sa kama.

"Kuya naman eh!" sabi ko 

"Ayiiie. Sino yang Gabriel na yan? Uupakan ko!" 

"Wala. Ang pagkaka-alam ko kase bawal mangistorbo kapag tulog eh!" 

"Suus. Galit ka lang kase naputol yung panaginip mo eh" 

"Nakakainis ka talaga kuyaaa! I Hate you! Ampangitt mo!!!" 

"I love you too Kim!!" 

:Bwiset ka! Lumabas ka na nga!" 

"HAHAHAHA. Pikonnn!" 

Lumabas na si kuya. What can I say? I'm that lovable. So ayun, bumaba na ako at kumain. 

"Sino nagluto nito?" tanong ko kela mama. 

"Ako!" pagmamalaki na naman ni kuya. 

"Ahh. Kaya pala parang sinuka ng baboy" 

"Loko ka ah!" 

"Dati pa!" 

"Oy! Tama na yang away! Kumain na tayo." sigaw ni mama samin. 

Kumain kami. Oh diba? One small happy family kami. 

"Ayy Kim, nabasa mo na yung sulat sayo?"  tanong ni kuya saken. 

"Ay oo nga pala!" 

Nagmadali akong kumain at agad agad na pumanik sa kwarto ko. Nakita ko yung sulat sa maykama ko. Nilapitan ko yung sulat at bubuksan ko na. 

"I'M SEXY AND I KNOW IT!!! I'M SEXY AND I KNOW IT!!!" tumunog yung celphone ko. Binasa ko muna yung message dun. 

"Kim, magbukas ka ng FB mo as soon as you get this message" text mula kay 09172354658

"Who you po? Paano niyo po nakuha number ko?" reply ko naman. 

Hindi na siya nagreply eh. Dahil magaling ako, binuksan ko yung FB ko. May nagchat sakin agad. Nakalimutan ko na nga yung sulat, honestly.

"hi po."  sabi ni John David Salcines. 

"Hi den po" sabi ko naman. 

"Kamusta na po kayo?" 

Habang nagty-type ako, may nagchat pang isa. 

"Huy Best! Kamusta na?" sabi ni Elena 

"Eto okay naman. Kachat ko yung kuyang baliw" 

"HAHAHA. Cge goodluck! Hindi na kita iistorbohin." 

"Huyy Elena wag ganyan!" 

Elena Jane H. Constantino is now offline 

"Hay nako si Elena talaga!" sabi ko sa sarili ko. 

"Anjan pa po ba kayo?" chat ulit nung kuya david. 

"Ayy sorry po ah. May ginawa lang po ako saglit." 

"Ahh." 

"Ang ganda ganda niyo po talaga" 

"Kuya, Paano mo ba nahanap FB ko?" 

"Nacurious lang kase ako" 

"Secret ko na po yun." 

"Malalaman niyo rin po sa tamang panahon" 

"Cge po, Bye na po. I love you." 

"Huy teka lang! anong tamang panahon?" 

John David P. Salcines is now offline. 

"Dafuq?! Ang sno-snob niyo naman!" sabi ko sa sarili ko. At least yung sarili ko hinde snob. 

Naalala ko na rin yung sulat at binasa ko. 

"Kim, 

Ikaw ang nagsisilbing inspirasyon ko. Ikaw ang buhay ko. Mahal na Mahal kita. Kung sana alam mo lang. Ikaw ang angel ng buhay ko. Sayong sayo lang ako. Sana wag kang magbabago. Ikaw ang natatanging reyna ng buhay ko. Basahin mo lang yung likod ng papel kung sino talaga ako.. 

Binaliktad ko yung papel... 

"Kim! Bumaba ka nga muna dito! Maghugas ka ng mga pinggan! Turn mo ngaun eh." sigaw ni kuya PIKONIN.

"Oo na!" sigaw ko naman. 

Bumaba ako. Nakaligtaan ko na naman yung sulat. Ayun, busyng busy ako. Nawala na sa isip ko yung sulat. 

"Pagod na pagod na ako! Magpapahinga na ako!" sabi ko kela mama. 

"O cge, matulog ka na." sabi ni mama sakin. 

Natulog nga ako. Nawala na sa isip ko kung kanino galing yung sulat. Kanino nga ba? 

"I'M SEXY AND I KNOW IT!!! I'M SEXY AND I KNOW IT!!!" tunog ng celphone ko. 

Binasa ko yung text. 

"Nagonline ka nga. Alam mo ang ganda mo lagi lalo na kapag pumapasok ka sa school. Naalalako nga nung una kitang nakita. May dala dala ka pang puting panyo." text ni  09172354658 

"Paano mo alam yun? Sino ka ba?" 

"Malalaman mo rin sa tamang panahon. O cge matulog ka na. Goodnight I love you!" 

Talk about major stalker. O siya siya, Matutulog na ako. 

School Life [PostPoned]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon