After a week, ayun sanay na sa lahat. Kilala na rin at memorize ang mga pangalan ng mga classmates. Oh diba? I'm so great. Ang yabang ko talaga. Well, totoo naman eh. Pero makalipas ng ilang years, ang pangalang 'Gabriel' ang hinding hindi ko makakalimutan. Mahal ko siya eh! Anong magagawa niyo? Taray mode si ate? Naman!
Dumating na naman ang isang karaniwang Monday. As usual, hatest day ko talaga pero for once hinde ako nalate during sa Monday na to. Yehey! Tara celebrate na tayo.
"I commend Ms. Ocampo for not being late today! Let's give her a round of applause!" Sigaw ng demonyong baboy sabay palak-pak. Sumunod naman yung mga uto-uto kong classmates.
"WOOH! onti onti ng ngbabago si Kim! Para kay Ano siguro yan!" sigaw ni Danica
Hay nako! pahiya na naman ako. Bwiset yang baboy na yan! balang araw... HUMANDA KA. Ayy nga pala, si Danica, siya yung isa kong classmate. Aaminin ko, hinde ko gusto personality niya. I mean... Close tayo teh?
Aaminin ko, Hinde ako nakasalita. As in, I was speechless. OMG. English speaking na ko! HAHA. Pekeng smile nga lang ang nakalagay sa mukha ko eh. Nakakabwiset naman eh.. Nakita ko pang tumatawa si Gabriel. Ano ba yaaaan!!
"Okay pupils! Stop lauging. Araw na para magchange seats tayo! fix all your things and place them on top of your desks" sabi ni baboy A.K.A. Ms. Santiago.
Halaa. Mawawala na ako sa tabi ni Gabriel. Yun na nga lang ang nagpapasaya sakin tuwing umaga eh. Ano ba naman!
Nakaayos na kming lahat. Syempre behave ako. LOLS. Kapal koo. Dalawang classmate ko na lang ang nakatayo. Sino kaya sila? Si Gabriel at si Danica malamang. Kinakabahan ako as in super mega kabado... Bakante pa kase yung seat sa tabi ko.. Iniisip ko.. ay baka si Danica yung mapunta dito. Ganun naman lagi eh. Puro Kontrabida! Kase nga diba? Life is unfair.
"Mr. Panganiban please take the seat near....."
Nako ayan na! kanino kaya mapupunta si Gabriel? Sakin na lang Lord! Mahal na Mahal ko yan! wala makakatalo sa pagmamahal ko sakanya! Alam ko po na blessing po siya galing sainyo! Aalagaan ko po siya ng mabuti please Lord dito na lang siya!
"Mr. Panganiban, stay there near Ms. Elena Constantino and you Ms. Danica Ramos, stay there near Ms. Ocampo."
Putek na yan! sabi na nga ba eh! Ano ba yan! Lord naman eh. Sa dami ng classmates ko bakit yang echuserang babaeng yan! nakakabwiset mukhang landingan ng airplane ang noo. Buti na lang row ni Elena ay one row of chairs lang ang layo sa row ko.
"Hi Kim. Seatmatessss tayooo!" sigaw ni Danica
"Oo nga eh. Hi seatmate!"
"Mukhang masaya to!"
"Mukha nga..." sabi ko ng may pekeng smile sa face ko.
"Psst. Kim. Satin- satin lang. Sino crush mo?"
"Suus. Wala." syempre hindi ako aamin. ano ako? Baliw?
"Wehh. Hindi ako naniniwala"
"Edi wag."
"Sus. Joke lang eh. Crush ko kase si Gabriel tingin mo may pagasa ako?"
"Baket ako tinatanong mo?"
"Friendly Advice lang"
"Ewan ko." Friendly advice?! Teh, mahal ko yang crush mo!
"Ahh. Gusto mong sumabay sakin mamayang break?"
"Kasabay ko si Elena mamaya eh."
"Pasabay na lang ako."
"Sssige." syempre nag-hesitate ako. Close ba kasi tayo?
"Thanks!"
Sumabay siya samin sa break. Na-realize ko... Hinde naman siya masyadong nakaka-inis. Masaya siyang kasama, honestly. Na guilty ako.. I judged a book by it's cover. I guess tinuturing ko na siyang friend pero still, kalaban ko pa rin siya sa puso ni Gabriel. Life truly is unfair.