SANA

2.6K 74 15
                                    

Ako'y nasasabik sa matamis mong mga ngiti

Pati mahawakan ang mapula mong pisngi

Uhaw sa mga mata mong kay sarap kung tumitig

At madama ang init ng iyong mga bisig

Masaya na ang araw ko kapag magkasama na tayo

Para bang nawawala lahat ng pagod at problema ko

Ngunit nang dumating ang oras na ikaw ay nagtampo

Hindi ko na alam ang dapat gawin ko

Hanggang saan lang ba ako sa buhay mo?

Dahil ayoko sa huli na masumbatan mo ako

Na kahit seryoso ako sa mga ginagawa ko para sayo

Sa huli malalaman kong hindi ka pala interesado

Sobra akong nagdamdam sa iyong mga sinabi

Ang aking pagluha ay di na mapawi

Nagkulong sa kwarto na parang wala na sa sarili

Makalimutan lamang ang hapdi ng mga pangyayari

Kailangang matuto na ako na wala ka sa tabi ko

Kahit parang sasabog na ang puso't isip ko

Paunti-unti man at mahirap ang aking gagawin

Mga alaala sa iyo'y di na dapat pang baunin

Di mo sana sinayang ang oras na ibinuhos ko

Ang tamis ng pagmamahal na ipinadama ko sa iyo

Dahil ako na pinaluha at sinaktan mo noon

Sana’y lumigaya pagdating ng tamang panahon

Poem CollectionWhere stories live. Discover now