SAKLOLO

446 20 2
                                    

Andito na ako sa labas ng aming bahay

Tahimik, Malamig, Walang tao.

Sinubukan kong buksan ang pinto

Ito ay kandado, ako ay bigo

Ako ay nakaisip ng ibang paraan

Sinubukang sa bintana dumaan

Pero ako ay hindi nito hinayaan

Ito ay nakasara, may rehas pa

Sa pader ako’y napaluhod at naggunita

Hinayaang mapapunta sa aking pantasya

Hinanap dito ang masasayang alaala

Ngunit puro pait at pasakit ang aking nakita

Bakit lahat na lang pinagsaraduhan ako?

Nakikisali na din pati ang puso ko

Mahapdi ito at unti-unting nawawasak

Sa di maipaliwanag na dahilan ako’y nasasadlak

Bakit di mo sinabing may mahal ka ng iba?

Ako ba’y pinaglaruan mo na parang isang tanga?

Oo, masakit, hindi mo ba kita?

Sana ngayon ay masaya ka na

Ako’y bumalik sa tamang pag-iisip

Nag-iisa pa rin sa gabing madilim

Naiwang lugmok at walang pumapansin

Nag-iintay ng saklolo, ngunit walang dumadating

Poem CollectionWhere stories live. Discover now