KAHAPON.NGAYON.BUKAS.

484 20 3
                                    

KAHAPON.NGAYON.BUKAS.

Kahapon

ikaw ay muling nagparamdam

Sa di inaasahang paraan ako ay nasaktan

Masasakit na salita ang aking nakamtan

Puro poot at pasakit ang aking napakinggan

Ngayon

 ikaw ay akin ng lilisanin

Mga binitawang salita'y di na kayang palipasin

Tumatak sa puso, sa isip at damdamin

Alam kong hanggang huli ito'y aking babaunin

Bukas

wala na sana ang naiwang lamat

Lubos kang minahal ngunit tingin mo’y di sapat

Mula umpisa hanggang huli ako ay naging tapat

Paalam sa'yo at salamat sa lahat.

Poem CollectionWhere stories live. Discover now