Namimiss ma ba ako?
Ako kasi pagtinanong mo, oo agad ang sagot ko
Kung nababasa man to ng ex ko
Wag kang assuming, Hindi ikaw 'to
Nung nagkakilala naman tayo
Wala naman akong pagtingin sa'yo
Pero sige, wag tayong ipokrito
Kahit kaunti, marahil nga ay oo
Pero nung unti-unti na kitang nakilala
At lagi na tayong nagkakasama
Maisisisi mo ba ako
Kung nag-iiba na ang pagtingin ko sa'yo?
Ikaw naman may dahilan kung bakit ako naging gan'to
Sinanay mo ako na laging pumupunta sa'yo
Di ko naman din to ginusto
Pero di na makawala sa bihag na ginawa mo
Alam ko naman gaya nga ng sabi mo
Hindi ka pa handang muling magkagusto
Pero ano'ng magagawa ko?
E ganito na ang nararamdaman ko?
Kaya minsan napapaisip na lang ako
Ganito din kaya ang nararamdaman mo?
Kaya ngayon, mapagbibigyan mo kaya ako
Kung hihilingin kong mahalin mo rin ako?