Book II Chapter 6: Reality

1.2K 9 0
                                    

Reality

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba ng magkalapat ang aming labi. Hindi pa lumagpas ng tatlong segundo ay itinulak na ako ni Chloe papalayo at ang mukha ko ay nakatanggap ng isang malakas na sampal. Sa sakit ng sampal na yun ay napapikit nalang ako.

"Bastos ka Joshua!" narinig kong sinabi niya matapos niya akong sampalin.

Naramdaman kong tumayo siya sa bench na kinauupuan namin kaya naman iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko siyang nakatalikod at mukhang nagbabalak ng umalis.

"Chloe..." muli kong pagtawag sa pangalan niya.

"Joshua, hindi Chloe ang pangalan ko kundi Ana! Alam kong lasing ka pero kailangan mo ba talagang gawin yun? Your insane Joshua! At sa tingin ko if ever magkita kayo ng Chloe mo she'll never like you! Nakita mo ba sarili mo ngayon? Subukan mong tumingin sa salamin at malalaman mo kung ano sinasabi ko!" sabi niya habang humarap sakin at nang matapos ay naglakad na papalayo.

Nanlaki ang mga mata ko nang si Ana na ang nakita ko at hindi na si Chloe. Masakit ang sinabi niya sakin pero totoo. Aminado ako. Lubos akong nalungkot ng gabing yun. Umuwi akong dinidibdib ang sinabi ni Ana. Paulit-ulit itong pumapasok sa isip ko.

Pagkauwi ko sa bahay ay wala akong taong nadatnan, buti nalang at dala ko ang spare key. Nasaan kaya si Mama at Papa ng ganitong oras, alas-onse na ah? Naalala ko naman na tinatawagan nga pala ako ni Papa kanina baka sasabihin kung saan sila pupunta kaya naman chinarge ko ang cellphone ko. Iniwan ko saglit ang cellphone ko para maghilamos.

Tulad ng sinabi ni Ana, tinignan ko nga ang sarili ko sa salamin. Gwapo parin naman ah? Mukhang astig nga eh may konting balbas na. At kahit ano namang ichura ko, Chloe will never like nor love me. Matapos kong maghilamos ay dumirecho ako sa kwarto at tinignan ang cellphone ko.

3 messages

received

WALA KA NA TALAGA

SIGURONG PAKIALAM

SA AMIN? WAG NA WAG KA NG

MAGPAPAKITA DITO! HINDI

KA NA NAMIN KAILANGAN NG

MAMA MO HINDI NAMIN KAILANGAN

NG ANAK NA KATULAD MO!

Sender:

Papa

Ha? Anung pinagsasabi ni Papa? Labo.

Bakit mo pinatay ang cellphone

mo?! Kanina pa kita tinatawagan

Naospital ang mama mo!

Pumunta ka rito sa SDMC

kung meron ka pang natitirang

pagmamahal sa mga magulang mo.

Sender:

Papa

Matapos kong basahin ang message na yun ay agad kong tinanggal ang saksak ng charger at dinala ang cellphone ko. Umalis ako at pumunta sa ospital. Hindi ako mapakali, kaya naman pala ganun na kung makatawag sakin si papa kanina. Hindi ko mapigilan ang maluha sa sasakyan habang iniisip kung ano ba talaga ang nangyari sa nanay ko. May katandaan narin kasi ang nanay ko at medyo mahina na ang pangangatawan lalo na ang kanyang puso kaya hindi talaga maaalis sa isip ko ang lubos na pag-aalala.

Medyas: A Love Story Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon