Book II Chapter 18: Move On

1.2K 8 1
                                    

Moving On


Janine

"Uhhhmmm.. Aaahhh.. Haaayss.." mga kung ano anong salita ang lumalabas sa bibig ko habang nag-uunat. Napasarap ang tulog ko. Inaantok pa din ako, maya maya na ko 

babangon. Nakapikit pa din ako sa kama, sinusubukan matulog ulit..

*Don't you know I've tried and I've tried

To get you out my mind

But it don't get no better..*

Ang ganda talaga ng kantang yan. Saktong sakto sa mga nangyari sa akin sa New Zealand. Rihanna talaga oh! Kung ano anong naiisip na kanta..

*As each day goes by

And I'm lost and confused

I've got nothin to lose

Hope to hear from you soon..*

Dahil sa ganda ng kantang yan, yan ang ginawa kong ringtone. Ay teka, ringtone ko nga yan ah.. Hala may natawag ata sa akin.

*P.S. I'm still not over you

Still not over you..*

Ano ba yan asan na ang cellphone ko? Kinapakapa ko sa side table ni Joshua, tinatamad kasi akong mumulat. Ayun sa wakas..

"Hello?" mangatal ngatal kong sagot sa kung sino mang tumawag.

"Good Afternoon Janinang!" magandang bati sa akin ng nasa kabilang linya.

"Mommy?" pagsisigurado ko sa nasa kabilang linya. Si Mommy lang naman ang natawag sakin ng Janinang. At si Mommy nga yun. Sabi niya may business trip daw siya. 

Kaya wala daw akong makakasama sa bahay kung gusto ko daw sumama daw ako sa kanya. Ayoko nga. Display na naman ako dun. Mabobored lang ako dun. Dito nalang ako. Masaya pa ako.

Nag-unat unat ako. Palagi kong naaalala yung sinabi ni Joshua nung mga bata pa kami, kailangan mag-unat ng mag-unat sa umaga para humaba ang mga buto, pangpatangkad. Kahit na alam kong kasinungalingan yun. Nag-uunat pa din ako. Wala lang. Nakakatuwa lang kasi. Habang nag-uunat ako minulat ko na ang mga mata ko, pagmulat ng mata ko, nagulat ako sa aking nakita..

"Chloe?" siya kaagad ang nakita ko pagmulat na pagmulat ko, napalaki pa ang mga mata ko na parang magpapop out na sa laki. Puro mga stolen shots ang mga nakadikit na pictures ni Chloe sa kisame. Naging paparazzi pala si Pare. Ngayon ko lang nalaman. Ano ba yan. Sana pictures ko nalang ang nandyan, hindi pa stolen, magpopose pa ako para lang sa kanya. Haha. "Hoy Janine! Lumalandi ka ah." pamumuna ko sa sarili ko.

Tumayo ako sa kama, inayos ang aking hinigaan. Ay may note, para sa akin ito malamang, iniwan ni Joshua, kasi wala na siya.

*Good Morning!

Pare, may nakahanda nang almusal sa baba..

Kumain ka nalang pagkagising mo. Susunduin 

ko lang sila Mama sa ospital.

LY,

Joshua.*

Almusal? What time is it? Almost 3pm na. Malamang andito na sila. Ay teka may isa pang note. Urmm..

*Pare! Sarap tulog mo ah.

Andyan sina Mama at Papa,

kumain ka lang pagkagsing mo,

okay lang yan! feel at home..

ibibigay ko lang ung regalo kay Chloe..

LY,

Medyas: A Love Story Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon