CHAPTER 1 :Her story begins....

88 4 1
                                    

IRIS ' POV 


" Iha.Gising na at kailangan mo pang kumilos.Maaga diba ang pasok mo sa trabaho? " 

* yawn *

Ramdam ko ang pagyugyog sa katawan kong tila binagsakan ng  gumuhong building.Grabe ang sakit ng buong katawan kooooo!


Pinilit kong imulat ang mga mata kong ayaw magpatalo sa pagbangon.Tila hindi nakikisama sakin ngayon ang bawat parte ng katawan ko dahil kulang pa ata ang 8 oras na pagtulog.


Ngunit dahil kelangan kong kumilos ay inalog ko ang buong katawan ko ng pagkalakas lakas upang maiwaksi lahat ng pagkabagot na nararamdaman ko.Anong oras na ba? 


" Alas - siyete na ng umaga Iha.Maligo ka na muna at ipaghahanda kita ng babaunin mo para sa mamayang tanghalian mo. " Nilingon ko ang pagkabait bait kong lola.Nginitian ko sya dahil para bang nabasa nya ang tumatakbo sa isip ko kanina.


" Sige po Mamu.Maliligo lang po ako.Salamat po sa paalala! " Masiglang sagot ko sa kanya.



Tinanguan lamang nya ako at dumiretso ako sa banyo pagkatapos ng senaryong iyon.Sobrang lamig na tubig ang dumapo sa aking katawan dahilan  upang mapatili ako ng pagkalakas-lakas.



" Apo! Ayos ka lang ba? Anong nangyare? " Rinig kong sigaw ni Mamu sa labas.

" Wala po ito Mamu! Nalamigan lang ako sa tubig.Hehe. " 


Narinig ko pa ang munting paghalakhak nya.Umiling nalang ako at pinagpatuloy ang pagliligo.



Pagkatapos ng pagligo ay dumiretso agad ako sa munting kwarto namin ni Mamu upang magbihis at mag-ayos sa sarili.Suklay at pulbos lang ang tanging ginagamit ko dahil satisfied na din ako sa sarili ko kahit simple lang.Pagkatapos ay dumiretso na ako sa salas upang ihanda lahat ng gagamitin ko sa pagpasok.


Natanaw kong katatapos lang ni Mamu ihanda ang aking babaunin at nilagay pa nya ito sa mismong bag na dadalhin ko.Binigyan ko sya ng munting halik sa pisngi bilang pasasalamat.


Naramdaman kong tinapik niya ako sa balikat." Iha, hindi mo naman kailangang magsakripisyo ng pagod para lang mabuhay tayo.Kaya ko namang itaguyod ka ng mag-isa lang.Tignan mo ang sarili mo, nangangayayat ka na nga ata dahil sa pagod. "Tinignan ko sya na para bang tumututol ako sa sinabi nya. " Isa pa, nangako ako sa ina mo na hinding hindi ka pababayaan. " Dagdag nya pa na para bang maluluha sya anytime.



Nginitian ko sya ng malungkot at sinabing " Mamu, malaki na po ako.Hayaan nyo pong ako naman ang kumilos para sating dalawa.Isa pa, experience na din tong ginagawa ko dahil alam kong magtatrabaho din ako pagdating ng legal age ko.Okay na po yung naglaan kayo ng mahigit 16 na taon para lang itaguyod ako ng mag-isa.Hayaan nyo po akong bumawi sa inyo. " Paliwanag ko sa kanya.



Ngumiti sya ngunit mahahalata mong pilit ang isang yon.Marahil nahihirapan si Mamu na pumili ng desisyon para saming dalawa.Pero ayoko ng napapagod siya dahil sakin.Masyado na syang matanda para magbanat ng buto sa pagtatrabaho.Isa pa, malakas pa ang resistensya ko dahil 16 years palang naman ako at pwedeng pwede sumabak sa trabaho. 


Kung tatanungin nyo kung nasaan ang mga magulang ko? They're already dead.Simula ng nagkamalay ako sa mundong to, wala na akong nakasalamuhang ama't ina.Tanging si Mamu lang ang kasama ko sa paglaki.Namatay ang mama ko nung panahong ipinapanganak palang ako.Di daw kinayanan kaya ako lang ang nailigtas.Ang papa ko naman ay isang sundalo at namatay sa isang bakbakan.Hindi man lang ako nagkaroon ng chance na mameet sila.


But thankful na may kasama pa din akong kapamilya ko.Ayun ay si Mamu.Sya ang lola ko na tumayong magulang ko sa loob ng 16 years.Oo, 16 years old na ako.Nakalimutan ko palang magpakilala.Hehe



Iris Mendoza, a charming name given by my lovely mom.Iniisip ko pa din ang mukha nya kahit na di ko man lang sya nakita.Kamalasan din na wala man lang naiwan na litrato ang aking magulang kahit na isa.Ngunit iniimagine ko pa din kung gaano kagandang tignan ang kanilang mga mukha lalo na kung kasama nila ako * sighs *



" Iha? Malalate ka na ata sa trabaho. " Pumwesto sa harapan ko si Mamu. " Mukhang malalim ang iniisip mo? " Nakangiting dagdag nya.

Nginitian ko sya.Napakathankful ko talaga na nandyan sya para sakin.Kaya ako naman ang kikilos para saming dalawa.


" Mamu, aalis na po ako.Mag-iingat po kayo dito sa bahay.Wag po kayong magpapagod ha? I love you mamu! " Sabay halik sa pisngi nya at tinungo ko ang daan palabas ng bahay.Hindi gaanong malaki ang tirahan namin ngunit masasabi kong sapat na ang espasyo neto para saming dalawa ni Mamu.


Sapat para mamuhay kami ng matiwasay....


________________________________________________________________________________

How's CHAPTER 1? Drop your comment for your feels about this part.Don't forget to vote! =) 


The Long Lost Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon